Chapter 26: The game and his rules

1.4K 28 4
                                    

Chapter 26: The game and his rules

Nasa mall kami ngayon at namimili ng mga stocks ng pagkain at kung anu-ano pa. Ngayon ko lang din nalaman na hygienic pala si Ayato at gusto niyang organize yung mga gamit niya sa unit niya. No wonder, pagpasok ko pa lang sa condo unit niya kanina ay sobrang linis lang na parang babae ang nakatira dun.

"Kunin mo rin 'to." walang lingon niyang sabi sabay abot sakin ng isang pack ng tissue paper rolls.

"Mukha ba akong pushcart?" reklamo ko.

Paano ba naman kasi, wala kaming dalang pushcart o kahit basket man lang kasi sabi niya shampoo at sabon lang daw ang bibilhin namin. Eh halos magmukhang evacuee ako nito eh.

"Tsk! Oo mukha kang pushcart kaya wag kang magreklamo dahil walang pushcart na nagsasalita."

Tingnan mo nga ang lalaking yun. Ang sama ng ugali. Nakakainis! Gawin daw ba akong alalay. Sige lang, iyo pa ang araw na ito. Makikita mo pag ako ang nakaganti sayo, kukurutin talaga kita. Aaaargh! Nakakagigil!

"Bilisan mo nga. Ang bagal mo." napaka-demanding pa.

Tumakbo na ako palapit sa kaya bitbit ang sandamakmak na pinamiliniya. Siguro sa paningin niya ay octopus ako na maraming galamay para madala ko lahat ng ito.

Salamat naman at papunta na kami sa counter. Pero nagulat ako nang makitang may iba pa pala siyang dala at nasa counter na yun. Ang dami lang ah.

Nakita ko namang nagpapa-cute ang cashier kay Ayato. Dukutin ko mata niya eh. Possessive lang, Yumi? Kayo ba? Hindi nga kami pero ayokong nakikitang may gumaganyan sa harap ng taong gusto ko. Ganun ako eh, problema niyo?

Nang matapos niyang bayaran lahat ng pinamili niya ay nag offer naman ang bagger na siya na ang maghahatid ng mga plastic bags sa kotse ni Ayato. Salamat naman at makakapagpahinga ako.

Pero nagulat ako nang magsalita si Ayato.

"No, it's okay. Let her carry those bags, kaya niya yan. Don't waste your time with us and focus on your work."

Bwisiiiiit! Kanina pa akong iniinis ng hapon na ito.

So ayun na nga, nagpunta na kami sa kotse niya dala-dala ko ang mga plastic bagssss na may laman ng kung anu-anong pinamili niya sa Grocery store. Oo bagsss talaga dahil marami, limang plastic yun. Kala mo naman nagsa-stock siya ng mga kung anu-ano sa bahay niya dahil may paparating na malaking delubyo.

Nang mailagay ko na sa loob ng kotse niya ang mga plastic bags ay dumiretso na kami sa unit niya. Bakit ba kasi nandun ako eh wala naman akong mga gamit sa unit niya. Nasa mansyon kaya yun tapos kahapon pa akong walang ligo, nangangati na ako. Kadiri naman itong sitwasyon ko.

Naalala ko tuloy si Drake. Kamusta na kaya yun? Matapos ang laban nila ni Ayato kahapon ay hindi ko pa siya nakakausap, ni hindi ko rin alam kung anong nangyari after that incident eh. Tsaka isa pa, ayaw akong pagamitin ni Ayato ng cellphone ko. Nakakagamit lang ako nun kapag binabalik niya na sakin yun. Opo tama po kayo ng nabasa, confiscated ang phone ko. Parang tatay lang noh?

In less than 15 minutes ay nakarating na rin kami sa building kung saan ang unit niya. Kaya heto na naman ako, dadalhin ko na naman yung mga plastic. Nakakabadtrip talaga ang lalaking yun tapos nauna pang pumasok.

"Ma'am tulungan na po kita." buti pa si kuya guard naisipan pang tulungan ako.

Tinulungan niya nga akong ipasok sa loob ang dala ko pero hanggang dun nga lang, alangan naman siya pa magdala hanggang sa unit ni Ayato diba?

Nakasunod lang ako kay Ayato habang bitbit-bitbit ko ang bags nang mapansin kong nilagpasan niya ang elevator. Saan ba ito dadaan?

"Hoy, nandun yung elevator oh. Saan ka ba dadaaan?" tanong ko sa kanya dahil lahat ng elevator na madadaanan namin ay nilalagpasan niya lang.

"Let's take the stairs and conserve energy."

Nabitiwan ko naman lahat ng plastic na hawak ko sa sinabi niya. Seryoso siya? We'll take the stairs? Eh nasa 14th floor yun, baliw ba siya?

"Hey, be careful. May mababasag sa loob ng plastic!" Bulyaw niya sakin.

Wow lang ha! At mas concern pa siya dun sa pinamili niyang mababasag kesa sa sakin na mamamatay sa pagod? Eh kung basagin ko kaya mukha niya? Kapal nito. Pumayag na nga akong samahan siya tapos gagawin pa akong alalay. Abuso na yan ah!

At dahil nga sa persistent siya at ayoko namang maiwan dito sa baba at masigawan ng hapon na yun ay wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Sa stairs. To the 14th floor. Ang saya nito eh *insert overflowing sarcasm*

Minutes passed...

"Aya-Ayato...na-nasa anong...floor na...ba ta-tayo?" Hingal na hingal kong tanong sa kanya.

"6th. Bilisan mo dahil may pag-uusapan pa tayo."

At nagsimula na siyang umakyat. Kusō! (Damn!) Bakit ba ako ang napagtripan ng lalaking yun? Nasa 6th floor pa lang kami at sobrang pagod na pagod na ako. Tapos ang bilis pa niyang umakyat at minamadali ako. Pag ako talaga namatay, mumultuhin ko siya nang mumultuhin.

After 100 years ay nakarating na rin kami sa unit niya. Nilagay ko lang yung pinamili niya sa center table at agad akong sumalampak sa sofa Nakakawindang magbuhat ng napakaraming plastic bags from ground floor to 14th floor.

Napansin ko namang hindi naimik si Ayato at inaayos niya lang yung mga kagamitan at kung saan niya ito ilalagay. Nasabi ko na bang organized siyang pagkatao?

Nang matapos na siya sa ginagawa niya ay agad siyang lumapit sakin at pinatayo ako sa pagkakahiga.

Ang ginawa niya? Pinaalis niya ako sa sofa dahil siya ang uupo kaya sa kabilang couch nalang ako nag slouch. Pagod talaga kasi ako eh.

"So... As I was saying earlier, may pag-uusapan tayo. And it's all about my rules."

Anong rules pinagsasabi niya eh hindi naman siya teacher para magkaroon ng rules and regulations diba?

"First, ayoko ng reklamo. Second, you'll do whatever I asked you to do. Third, be mindful with your actions. Kung matalino ka, you'll surely know what I meant. Fourth, ako lang dapat ang sinusunod mo. And lastly, stay away from Drake."

Nawindang ako ng sobra sa sinabi niya. Ano ko ba siya, master para sabihin niya yun? At ano daw yung huli? Stay away from Drake? Hibang ba siya? Kaibigan ko si Drake kaya kakausapin at lalapit ako sa kanya sa ayaw at sa gusto niya. Sino ba siya para diktahan ako?

Oo gusto ko siya, pero hindi ibig sabihin nun magpapakaalila ako para sa kanya. With his stupid game, I'm never gonna do any of those rules.

"Deal?"

Napalingon ako sa kanya nang magsalita ulit siya. Anong deal sinasabi niya? Eh kung ayoko.

"Bakit parang wala akong options? Paano kung ayokong sundin lahat ng sinabi mo?" I asked arrogantly.

"Then you'll get your punishment." He said while grinning.

Napalunok ako bigla nang matitigan ko siya sa mga mata niya. Nakakatakot. Bakit feeling ko gusto kong sundin siya? Ah mali parin. Bahala siya. Ayokong dinidiktahan niya ang gagawin ko.

Mas kinabahan ako lalo nang lumapit siya sakin. As in sobrang lapit niya na konting galaw ko lang mahahalikan na niya ako.

*dug dug. Dug dug*

Bakit nag-iingay na naman ang mga drums sa loob ng dibdib ko? Nakaka... Amp! Pakiramdam ko tuloy pulang-pula na yung pisngi ko.

"Once you defy me, hindi mo magugustuhan ang parusang ibibigay ko sayo." Umayos na siya ng tayo at tiningnan ulit ako. "Tumayo ka na diyan, ayusin mo mga gamit ko, we're going back to the mansion tomorrow."

Babalik na kami.

"But..." Napalingon ako sa kanya. "Remember my rules."

______________________

The Three Brothers and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now