Chapter 50: Business partners

946 18 7
                                    

Ayato's POV

Matamlay akong pumasok sa loob ng mansyon. Kakauwi ko lang galing sa opisina ni Maiko Fujiwara at hinihiling kong sana lang ay wala si Drake ngayon. Ayokong makipagtalo sa kanya. I'm damn tired.

Paakyat na sana ako ng hagdan nang makasalubong ko si Evo. Akala ko ba nakaalis na 'to? Ano pang ginagawa niya dito?

"O, nakauwi ka na pala. Tumawag sa'kin si dad. It's about having you in the company, you should at least—"

"She really looks like her," putol ko sa sinasabi niya. Wala akong ganang pag-usapan ang tungkol aa business.

I'm concerned about the thought of Maiko being the exact replica of Yumi.

"Ha?"

"Nothing. I'll go ahead." Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa pag-akyat nang marinig kong nagsalita siya.

"We'll get her back, that's for sure. I'm actually going there for a business proposal blah blah blah!" Hindi na ako nakinig sa sinasabi niya dahil itinuloy ko na ang pag-akyat ko.

Nang marating ko ang aking kwarto ay agad akong sumalampak sa kama. Nakatingin ako sa kisame pero mukha niya ang nakikita ko. How could they looked really alike?

There's a possibility na siya nga si Yumi dahil sa kilos niya, sa mukha, at sa boses. Iyon nga lang, hindi marunong magtagalog.

Pero may possibility ding hindi siya si Yumi. Maiko has a family and it seems like she really love them. Isa pa, Yumi never wear makeup. That Maiko girl is full of makeup, although kahit alam ko namang she should be waearing one dahil nasa kompanya siya. But then... argh!

Para akong mababaliw kaka-solve ng puzzle na ito. I need to investigate her para malaman ko kung sino ba talaga siya at kung nasaan siya six years ago. Kapag nalaman ko kung anuman ang ginawa niya sa nakaraang anim na taon, that would be my answer. Whether she's Yumi or Maiko.

Evo's POV

Sa ikinikilos ni Ayato ay halatang nakita na niya nga si Maiko. Imposible ring iisa lang ang takbo ng mga isip naming tatlo. That that Maiko Fujiwara is Mayumi Matsumoto.

Agad akong nagtungo sa garage kung saan naka-park ang kotse ko. I must start my plan. Pupuntahan ko siya for the business proposal I shared to Drake.

And speaking of that dumbass, hindi na naman namin ma-reach at paniguradong nandoon na naman iyon sa mga babae niya. Tss.. he's a mess.

I was driving my way to SoftBank nang biglang mag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha ang bluetooth earpiece ko at sinagot ang kung sino mang tumatawag.

"Yes?" bakit ba hindi uso sa'kin ang hello? Nasanay na ako eh.

"Evo, where are you? I just found something about Maiko Fujiwara."

Kirstin's on the line kaya agad akong pumreno sa tabi ng kalsada para mas linawin ang sinasabi niya. She found something? Bigla akong na-excite at medyo kinakabahan ng konti.

"What is it?" tanong ko sa kanya. Mas kinabahan ako nang matagal siyang hindi nakasagot, "Kirstin what is it? 'wag mo namang ibitin ang sasabihin mo."

Pero mas nagulat ako nang ibang boses na ang narinig ko, "And you're still talking with my wife huh?"

Shit! Si Francis. Nasa bahay pala siya ngayon? At bakit ba nasa bahay din ang lalaking ito? Don't tell me hindi siya nagpunta sa hospital nila para lang mabantayan si Kirstin? Oh please! Hanggang ngayon ba naman? It's been six years for Chrissake yet he's acting all immature.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Where stories live. Discover now