Chapter 45: Excitement

1K 21 2
                                    

Ayato's POV

Panghuling tao sa listahan ng mga bisitang inimbitahan nila Kim at Jake sa kasal nila ay...

"SoftBank representative?" kumunot ang noo ko sa nakasulat. Bakit walang pangalan? Paano ko naman malalaman kung sino ang nagpunta sa kasal na iyon kung walang pangalan ang nakalagay dito? Pambihira!

Pangalawang araw ko na ito sa paghahanap sa babaeng nakita ko noong araw ng kasal nila Jake. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong natagpuan. Itong SoftBank representative nalang ang natitirang lead sakin. But what if I failed? Susuko na ba ako sa paghahanap?

Hindi. Kailangan ko siyang makita. Gusto kong kilalanin ang babaeng iyon, kung kamukha ba talaga siya ni Yumi o namalikmata lang talaga ako ng araw na iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-search sa google map kung saan ang office ng SoftBank. It's a 30 minutes drive from here. Isinuot ko na ang helmet ko at agad nag-drive papunta doon. Sana makita ko na talaga dahil ito na yung last.

After 30 minutes ay nakarating na nga ako. Agad akong nagtungo sa reception desk at nagtanong.

"Excuse me," pauna ko doon sa babaeng busy sa kanyang ginagawa. "Uhm.. sinong CEO niyo dito? I just have something to discuss with him..or her?"

Nakita ko naman ang pagdududa sa kanyang mukha kaya inunahan ko na siya, "Here's my identification card. Hindi ako masamang tao. Kailangan ko lang talaga siyang makausap dahil may ikukumpirma lang akong importante. About this.." at pinakita ko sa kanya ang invitation letter nung kasal ni Jake at yung listahan ng mga inimbitahang bisita.

"Okay. Kailangan niyo po muna magpa-set ng appointment kay Ms. Maiko. She's a very busy person at madalang lang siya dito dahil marami siyang inaasikaso outside the outlet," sa sinabi niya para akong nabuhayan ng loob. The desk clerk is pertaining to a woman dahil 'she' ang ginamit niya. Sana ito na talaga.

"Thank you. Saan ba ako magpapa-set ng appointment?" masiglang tanong ko sa kanya.

"Puntahan niyo lang po yung secretary niya. Nasa 10th floor po," nakangiting sagot niya kaya nagpasalamat na ako at nagtungo sa 10th floor.

Nang makarating ako doon, busy'ng busy ang lahat sa ginagawa nila. Halos lahat ng empleyado ay nakatuon sa kani-kanilang computers. Bawat empleyado ay tig-dadalawa o kaya ay tatlong computer ang kaharap. Ano ba itong SoftBank? Akala ko kasi bangko ito gaya nung mga BDO o Metrobank.

"Uhm excuse me?" tanong ko sa lalaking... I mean, baklang naglalakad papunta sa hindi ko alam kung saan ang punta niya. "Yung secretary ni Ms. Maiko? Can I talk to her?"

Lumawak ang ngiti niya matapos akong magsalita at inayos ang sarili niya, "Speaking. What do you want from me, pretty boy?" ay malande.

"Uh... can we talk somewhere? Yung hindi magulo," he gave me a fulfilling smile at hindi ko alam anong ibig sabihin nun kaya sinundan ko nalang siya nang umalis siya sa harap ko.

Nagtungo kami sa isang room. Conference room.

"Take your seat," utos niya sakin habang siya naman ay nakaupo sa tapat ko kaya umupo na din ako. "Anong kailangan mo sakin?"

Pinakita ko sa kanya ang invitation letter at ang listahan ng mga inimbitahang bisita.

"Jake and Kim Wedding? This is the wedding that Ms. Maiko attended three days ago. Why are you showing this to me?" naguguluhang tanong niya.

"May kakilala kasi akong..." ang hirap. Paano ko ba sasabihin ito? "...kaibigan na nawawala tapos.. tapos may nakita ako sa araw ng kasal at kamukha niya eh. Gusto ko lang makita ang representative ng SoftBank na nagtungo sa araw ng kasal para masigurado kung siya ba talaga ang nakita ko. And also, I want to have an appointment with your boss. At her convenient day."

The Three Brothers and I [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora