Chapter 32: Yakuza

1.2K 24 1
                                    

Chapter 32: Yakuza

Yumi's POV

Nanginginig ang buong katawan ko nang makaharap ko ang isang malaking pintuan na magdadala sakin sa kinaroroonan ng kumicho ng The Sixth Yamaguchi-gumi.

[Kumicho- boss; Yamaguchi-gumi- biggest yakuza family with 850 clans]

Ito ang kauna-unahang pagpunta ko dito. Hindi ko alam kung kilala ba nila ako o ano dahil matagal nang walang ugnayan si otōsan sa kanila.

"Shinobu Tsukasa." Mahinang banggit ko sa pangalan ng kumicho. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako nagpunta dito gayong si detective Ishikawa naman talaga ang sadya ko dahil sa sinabi niyang natagpuan na nila ang salarin sa assassination ng pamilya ko.

Kumatok ako sa pintuan at di nagtagal ay nagbukas ito. Mula sa kinatatayuan ko ay ang isang maluwag na bulwagan kung saan may malaking flag ng Yamaguchi at dalawang pinag-krus na katana sa ibaba nito. At doon ko lang napansin ang isang lalaking naka-indian sit at nakaharap sa flag ng Yamaguchi-gumi. Siya na siguro ang kumicho-Shinobu Tsukasa.

Tumikhim ako para ipaalam ang presensya ko pero nakaganun parin ang posisyon niya at hindi ako nililingon kaya nagsalita na ako.

"Watashiha dai sedai kara Matsumoto Mamoru no Matsumoto Mayumi musume desu. Kotae wo motome ni ki ta." (I'm Matsumoto Mayumi daughter of Matsumoto Aoi from fourth generation. I came here to seek for answers.)

Kinakabahan na ako ng sobra. Hindi naman ako pa-hero para hindi kabahan dahil unang-una, yakuza is a notorious organized crime syndicate here in Japan.

"Koko de dou shi te masu ka." (What brings you here?)

Paano ko ba sasabihin sa kanya? Baka kasi pag sinabi ko ay magsilabasan ang mga alagad niya at saka ako papatayin dito. Hindi ko pa pinuntahan si detective Ishikawa dahil sinadya ko talagang dito muna magpunta para malaman ang gusto kong malaman. Bahala na.

"Omu. Nitsuite Matsumoto no takara。Anata ha sore nitsuite nani ka wo shitte masu ka." (Uhm. About the treasure of Matsumoto. Do you know anything about it?"

Parang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko sa sobrang kaba. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa tanang buhay ko. Alam ko kung nasaan ang kayamanan ng mga Matsumoto pero hindi ko maalala kung saan talaga dahil masyado pa akong bata noong sinabi sakin ni otōsan ang isang tula na na magiging susi sa paghahanap ng mga ginto na yun.

Gusto ko rin malaman kung may alam ba sila sa assassination na nangyari sa Matsumoto clan at kung alam din ba nila na ako lang ang naka-survive.

[A/N: itatagalog ko nalang ang usapan nila ha? Tinatamad akong magtranslate eh, tapos sobrang haba pa ng pag-uusapan nila.]

"Sigurado ka bang gusto mong malaman ang tungkol doon?" Tanong niya sakin nang hindi parin siya humaharap.

Bakit niya tinatanong sakin kung gusto kong malaman yun? Kaya nga ako nagpunta dito diba? Dahil gusto kong malaman.

"Nais kong malaman kung anong ugnayan ng yaman ng mga Matsumoto sa pagkamatay ng pamilya ko. Alam niyo naman siguro ang nangyari sa pamilya ko, hindi ba?"

Nang dahil sa bwisit na ginto na yan, naubos ang buong Matsumoto. At hinding-hindi ako papayag na pati ang buhay ko ay kukunin din nila.

"Matsumoto Mayumi." Banggit niya sa pangalan ko habang tumatayo ngunit hindi parin humaharap. Mas lalo akong kinakabahan.

Di nagtagal ay humarap na rin siya sakin at nakita ko na ang buong mukha niya. Isang matandang lalaki na nasa mga 70s yung edad, may bigote at medyo panot pero halatang malakas parin. Naka-kimono siya at may dalang katana.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon