I

213 5 0
                                    

Alam mo ba, bes, nanaginip na naman ako. May lalaki sa panaginip ko, hindi ko siya kilala pero nagbreak daw kami. Hindi ko nga maintindihan eh, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng panaginip na 'yon.

Ano kaya? Nakilala ko kaya siya dati? Baka naman makikilala ko pa lang. Ikaw? Ano sa tingin mo?

May isa pa kong napanaginipan. Siya, binisita daw niya ako sa school. Pumunta siya. Sinurpresa niya daw ako. Sobrang tuwa ko, alam mo ba 'yon? Namiss ko kasi siya eh. Malamang understood na sayo 'to. Kilala mo ko eh, alam mong miss na miss ko na siya. Napakasaya ko dahil nagkita kami kahit sa panaginip lang. Alam ko masaya ka para sa 'kin. Sana magkatotoo 'no? Para hindi na kita nakukulit tungkol sa kanya.
Sa bagay, hindi naman na talaga kita nakukulit. Magkalayo na pala tayo. Literal.

Namiss ko 'to. Buti na lang naikikwento ko na ulit sayo 'to. Magkwento tungkol sa panaginip ko. Tapos, iisipan natin kung anong ibig sabihin. Naisip mo na ba? Isipan mo ha? Tapos, sabihin mo sa 'kin, kwento mo. Nacucurious ako sa maiisip mo. Ang tagal ko nang hindi nakakarinig mula sayo. Magkwento ka naman.

Alam Mo Ba, Bes?Where stories live. Discover now