V (written years ago)

48 0 0
                                    

Hindi ko alam kung mababasa mo ito. Gusto ko lang masabi, maisulat ‘to para malimutan ko na. Wala na akong balak guluhin ka or make you confused kaya hindi ko na ipaparating sayo.

Sa tatlong taon na magkaibigan tayo, kahit minsan, kahit isa hindi ako nakapunta sa birthday mo. Birthday mo na naman, ito 'yung pang limang beses simula nang magkakilala tayo. As usual, wala ako. Pero okay lang naman, hindi naman na ako 'yung hinihiling mong makapunta do'n, iba na. Ni isang beses hindi ko napabigyan 'yung hiling mo. Nagsisisi ako. 'Yon sana 'yung moments na magpapasalamat ako sa Diyos dahil binuhay ka niya at inilagay malapit sa akin para maging kaibigan ko. Hindi ko nacherish 'yung isa sa pinakamahahalagang araw para sayo. Hindi mo ko kasama sa masasayang sandaling iyon. At ngayon, gano'n na naman. Ang magkaiba lang wala na akong magagawa kasi tapos na tayo. Tapos na lahat sa atin. Hindi na maibabalik ng mga curses ko ang mga oras na nasayang ko habang okay pa tayo. Hindi na mababago ng pagsisisi ang nangyari sa atin ngayon. Wala na.

Naalala mo no'ng sinabi mong “Hinding hindi ako magsasawang tawagin kang bestfriend.” Pati na rin 'yung “Tawagin mo lang akong bestfriend, kahit gaano ako nagtatampo sayo, magiging okay tayo.” No'ng sinabi kong wag mo kong iiwan na 'wag kang susuko sa akin kahit anong mangyari, alam mong mahirap pero pumayag ka. Nangako ka, umasa ako.

Galit na galit ako sayo kasi hindi mo tinupad 'yung pangako mo. Nagsawa kang tawagin akong bestfriend, sumuko ka sa akin. You stopped dealing with my anecdotes. Binura mo ko sa buhay mo, pinalitan mo. Gusto kitang sisihin sa lahat ng nangyari pero hindi..

Kasalanan ko 'to. Lahat, kasalanan ko. Kung alam ko lang sana kung ano 'yung mas dapat pinahalagahan ko. Kung hindi ko sana hinayaan na lamunin ako ng leche kong pride. Sana inuna ko 'yung pagkakaibigan natin. Sana hindi ako nagmatigas. Sana nakinig ako sa kanila. Sana noon ko pa alam na hindi lang ako ang napapagod. Sana hindi kita sinagad. Sana humingi ako ng tawad. Sana na-realize ko yung mga pagkakamali ko nang mas maaga. Edi sana kaibigan pa rin kita ngayon.

Sayo ko pa sana ikikwento 'yung unang araw ko sa kolehiyo, mga bagong kilala, teachers at environment. Ikikwento ko pa sayo bawat araw na nangyayari sakin. 'Yung mga failures at achievements ko. 'Yung panaginip ko na kahit wala naman talagang meaning, bibigyan natin ng kahulugan. Magsesend pa ko sayo ng napakahabang text na kahit na I’m not into texting hindi ako tinatamad pagdating sayo. Kukulitin mo pa kong makipagbalikan sa kanya at gumawa ng paraan kahit ilang beses ko nang sinabi sayo na hindi ko na siya mahal. Magpapataasan pa tayo ng grades. Magdedebate sa mga nonsense na issues. Magde-dare pero hindi naman tutuparin ang punishment. Pero hindi na pwede. Tapos na. Wala na.

Naalala mo no'ng sinabi mong “Sorry, napaiyak na naman kita.” Ngayon, magsorry ka ulit, milyong beses. Paulit-ulit mo kong pinaiiyak.

Pure platonic lang ang friendship natin, alam ko 'yan, alam ng lahat 'yan. Kaya nagtataka ako kung bakit sobra akong nagkakaganito. Ganon ba talaga? Mas masakit marinig ang bestfriends breakup kaysa marinig sa boyfriend mong “We’re over.” Ni minsan hindi mo nakitang iniyakan ko siya, kaya paano mo naaatim na paiyakin ako?

Naiinis ako sayo pero wala akong magawa kasi at the very first place, kasalanan ko 'to. Kasalanan ko lahat 'to.

Alam Mo Ba, Bes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon