III

98 1 1
                                    

Alam mo ba, bes, nanghihinayang pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit 'yung nag-iisang taon na natitira na 'yon, hindi ko 'to naramdaman. O baka dahil pinilit ko lang? Dahil may tumulong na ngayon wala na sila, kaya ganito? Dahil naipokus ko sa ibang bagay 'yung isip ko? O dahil sariwang-sariwa pa sa 'kin lahat ng dahilan kung bakit hindi dapat ako manghinayang?

Anuman 'yung dahilan noon, ngayon ako nanghihinayang.

"Hindi ka ba nanghihinayang? Ang tagal ng pinagsamahan niyo, oh. Ayaw mo nang magkaayos kayo? Tutulong ako. O kung gusto mo lumayo ako."

"Hindi. Huwag. In fact, dapat nga maging masaya pa ko. Wala nang magulo. Wala na kong makakaaway araw-araw. Masaya na kaya ako sa kanila ngayon."

Naalala ko na naman 'yung mga oras na 'yon na tinatanong niya ako tungkol sa panghihinayang. Sagot ko ay hindi.

Ayokong lumayo siya, dahil sisisihin mo 'ko. Mawala man siya, hindi pa rin tayo magkakaayos. Magiging kasalanan ko na naman.

After no'n, hindi ko na alam ang nangyari. Bumalik ako sa room, umiiyak. Hindi ko no'n alam ang dahilan. Ngayon alam ko na. Napapansin mo ba? Kapag hindi tugma 'yung nararamdaman o iniisip ko sa mga sinasabi ko, hindi ko napipigilang umiyak. Ganyan ako kahina, bes, 'di ba? Naalala mo no'ng pinagsalita ako ni Bishop ng against sa paniniwala ko, wala akong nagawa kundi umiyak. It's easy for unsaid feelings to make me cry.

Alam ko sa sarili ko na pinilit ko lang na huwag manghinayang, na isiping masaya na 'ko kaya ako umiyak.

Nang inisa-isa ko sa kanya lahat ng dahilan kung bakit hindi dapat ako manghinayang, mas nararamdaman ko 'yon nang higit pa.

Alam kong hindi niya ko pinaniwalaan. Alam ko 'yon pero gusto ko siyang paniwalain. Pero hindi pala, sarili ko pala 'yung pinapaniwala ko all this time.

I was too dumb. Hindi ko sinabi sa kanya 'yung totoo. Sana nagawan ng paraan no'ng may pagkakataon pa.

Ang tanga ko, bes. Hindi na ko nadala sa mga pagkakamali ko. Palagi na lang akong nanghihinayang sa mga salitang hindi ko nabitawan noong may pagkakataon pa. Nakakainis. Ang tanga tanga lang.

Hindi na ako umaasa. Sa totoo lang, tanggap ko na pero hindi mawawala ang panghihinayang na sana naayos pa.

Alam ko naman noon pa, wala nang pag-asang maayos pa. Kapag pinilit lang natin, we will live it as a never ending battle of who is right. Endless. Kaya mas mabuting ito na lang 'yung tapusin natin. Itong walang pag-asang pagkakaibigan na 'to.

Matagal nang tapos, alam ko.

Kaya last na 'to. I won't say sorry or apologize. This serves as closure maybe for me.

Alam Mo Ba, Bes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon