VI

42 0 0
                                    

Alam mo ba na may isa akong kaibigan, natatanging kaibigan. Namimiss ko na nga siya eh.

Pero no'ng nakaraan nagkita kami, tinanguan niya lang ako na para lang dating kakilala na wala namang koneksyon sa isa't isa at kailangan lang magbatian.

Ngumiti naman ako, pero pilit.

Pilit. Hindi dahil hindi ako masayang nakita siya, kundi dahil nasasaktan ako sa oras na 'yon.

Nasasaktan kasi hindi ganon yung inaasahan kong pagkikita namin. Nasasaktan kasi gustong-gusto ko siyang yakapin sa oras na 'yon, pero hindi ko magawa.

Ano nga bang aasahan ko? Higit dalawang taon kaming hindi nag-usap sa kahit anong klaseng paraan.

Natatawa na nga lang ako kasi sabi niya sakin kinaya ko nga ng dalawang taon, bakit hindi na ngayon.

Sa dalawang taon na 'yon, hindi ko alam kung saan ang direksyon ko. Hindi ko alam kung ano ang priyoridad ko. Tama, magulo.

Paulit-ulit akong bumabalik sa panghihinayang kahit anong pagsisikap kong umusad.

Baka nga ito yung resulta ng lahat ng pagkakamaling ginawa ko sa kanya at sa iba pa.

Pero hanggang kailan ko dapat maranasan 'to? Napapagod na ko.

Hindi ba pwedeng bumalik kami sa dati? Wala na ba talaga?

Oo, ikaw 'yon. Wala na ba talaga? Hindi na ba pwede?

Alam Mo Ba, Bes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon