IV - Time doesn't heal all wounds.

65 0 0
                                    

Gusto kitang makita. Makausap ng personal.

Pero alam kong hindi ka papayag.

Alam kong tatanggi ka, and worse hindi mo ko pansinin.

Kaya kontento na ko sa i-accept mo lang friend/follower requests ko.

Gusto ko lang maging updated sa sayo.

To know how you grow up.

To know how fine you are.

To know some details about your life. ("Some" may not enough for me, but I have to be contented.)

Gusto ko malaman 'yon lahat ngayon. Na dapat noon ko pa ginawa.

Sa pagkakaibigan natin, naging self-centered ako.

Nasasabi ko sayo lahat ng gusto kong sabihin.

Mga paborito ko.

Mga nararamdaman ko. Minsan, kahit mali, komportable pa rin akong malaman mo.

Mga panaginip ko.

Mga paghihinala ko.

Mga pagtatampo ko, kahit sa mababaw na dahilan.

Mga kasalanan ko.

Hindi ako natakot na husgahan mo.

Hindi ako takot na huminto ka sa pakipagkaibigan sa akin dahil lang sa sasabihin ko.

Lahat ng hindi ko kayang sabihin sa iba, kahit pa sa iba kong kaibigan, komportable kong nasasabi sayo.

Nawala sa isip kong dalawa pala tayo.

Nakalimutan kong may nararamdaman din ikaw.

Na may gusto ka ding sabihin.

Na may iniisip ka din.

Na nasasaktan ka din.

Na nagkakaproblema ka din.

Sobra akong nakapokus sa sarili ko.

At 'yon ang pagkakamali ko.

At 'yon din ang gusto kong itama ngayon.

Pero hindi na pwede dahil huli na.

It frustrates me.

Gusto kong gawin, pero wala na akong magawa.

Ito 'yung "Time doesn't heal all wounds."

Minsan, wrong timing makes us wounded.

Alam Mo Ba, Bes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon