II

132 1 0
                                    

Alam mo ba, bes, napanaginipan ko na naman siya. Kaya lang kabaligtad ng nakaraan.

Nagchat daw siya sa 'kin. Tuwang tuwa ako kasi birthday ko. Akala ko babatiin niya ako.

Kaya lang hindi pala, mali ang akala ko.

"Hindi ka pa ba pagod umasa? Wala na tayong chance magkita. Pagod na akong mag-intay."

Madami pa siyang sinabi, kaya lang syempre panaginip, nakalimutan ko na.

Hindi ko siya nireplyan. Ilang oras akong nag-intay. Paulit-ulit kong binasa 'yung message niya. Para kasing hindi pa rin nag sink in sa isip ko lahat ng sinabi niya.

Naiinis ako sa kanya, bakit kailangan sa birthday ko pa? Hindi ba pwedeng kinabukasan na lang? Hindi ba makapaghihintay 'yon? Nakakainis siya.

Mangiyak-iyak ako pero hindi pwede. Gusto kong magalit sa kanya, magpadala sa galit dahil sa kanya. Kaya lang para saan pa? Wala nang magbabago.

Tiningnan ko ulit ang facebook ko. May notification, nagpost siya sa timeline ko. Isang video. Maraming nakamention na parehas naming kakilala. Hindi ko pinanood, ayoko. Nawalan na ako ng interes na malaman 'yon.

Saglit lang, inaya ako ng kaibigan kong umalis. May pinuntahan kami. Pagdating namin doon, isang kwarto na  naroon ang ilang kakilala at kaibigan ko. Nagtataka daw ako.

Sabi nila manood ako. Pagtingin ko sa TV, nagpeplay 'yung umpisa ng video na pinost niya. Nilihis ko 'yung ulo ko, ayaw kong panoorin. Tinakpan ko rin ang mga tainga ko, ayoko. Ayoko talagang pakinggan at makita. Galit ako sa kanya.

Naiinis ako sa kanya, gusto ko siyang murahin at sumbatan. Kilala mo naman ako, 'di ba? Hindi ako takot sa gulo. Pero ngayon, bes, alam mo nang dahil sa panaginip na 'yon, pakiramdam ko nagbago na ko. Nakikita ko 'yung sarili ko ngayon sa panaginip na 'yon. Ang laki na ng pinagbago ko, bes.

Sana nakikita mo 'yon. Sana nandito ka para makilala mo na rin 'yung bagong ako. Sana.

Alam Mo Ba, Bes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon