Chapter 2
Nang makaalis na ang kliyente ni Mommy at Daddy ay nagmadali na akong bumaba ng kwarto ko para kausapin ang mga magulang ko sa nais nilang mangyari.
"Lina! What happened to that young man?" medyo galit na tanong sa akin ni Daddy na kapapasok pa lang ng bahay
"Sinuntok ko po. I don't like him" tipid na sagot ko na may kasama pang kibit balikat. Kitang kita ko ang lalong pagkunot ng noo ni Daddy ko sa aking sagot.
"Buti at mabait ang mga Ferell, hindi mo ba alam na pwede ka makasuhan sa ginawa mo?" sabat sa amin ni Mommy na bahagyang hinawakan ang braso ni Daddy para pakalmahin ito
"Mom, Dad if you're up to something, please wag nyo na pong ituloy. Anak nyo po ako, anak ako ng dalawang pinagpipitagang abogado sa Pilipinas. Matalino po ako at alam ko na po ang magiging sitwasyon ko sa ginagawa nyo. Please, I don't want a fix marriage. Lalong lalo na kung sa mayabang na Ferell na 'yon. Pag pinagpilitan nyo ako sa kanya baka hindi lang ilong niya ang dumugo sa akin. Mom, Dad please..."
Sabay silang napabuntong hininga sa mahaba kong sinabi.
"Halika nga dito anak" hinila ako ni Mommy at mahigpit na yinakap. Nakiyakap na rin sa amin si Daddy.
"Anak talaga kita, hindi ka na namin kayang maisahan" bulong ni Dad na ikinangisi ko.
"Alam kong mapaglaro ang mga salita ng mga magulang ko. Kaya hindi ako naniwala sa sinabi mo Mom kanina..Not in a million ways. I'm a Hidalgo with a wicked mind" agad akong kinurot ni Daddy sa aking pisngi
"Oy oy, group hug ba 'yan? Pasali" agad kong naramdaman ang lagkit ng katawan ni Kuya.
"Yuck! Kuya naman..maligo ka muna. Like ewww" at nagtawanan na lang kaming apat. Oh well, I have a perfect family. Wala na akong ibang hihilingin pa.
--
Katatapos lang ng pangalawa kong klase at mabilis akong ginutom kaya nagsimula na akong pumunta sa canteen ng university. At unang hakbang ko pa lang ay hindi na maganda ang pakiramdam ko.
Bakit parang may nanunuod sa paggalaw ko? Damn. Why I'm having this weird feeling?
Hindi ko na muna ito pinansin at nagpatuloy ako sa paghakbang para makaorder na rin ako ng pagkain. Pero nang nasa pang apat na ako sa pila, hindi ko na natiis. Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng canteen para makita kung may taong nagmamasid sa akin.
And there..
My eyes met his brown eyes.. why is he looking at me like this? Hindi niya pa rin ba nakakalimutan ang ginawa kong pagsuntok sa kanya?
It's been months. Simula nang makiusap ako sa mga magulang ko tungkol sa kinaaayawan kong fix marriage ay hindi na nila ito pinagpilitan na siya namang pinagpasalamat ko. Pero itong si Tristan Ferell ay hindi pa ata nakakalimot at sa tuwing magkukrus ang aming mga landas ay hindi maaaring hindi niya ako tutunawin ng mga titig niyang nakakapanindig balahibo.

BINABASA MO ANG
Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)
General FictionWhat is the happiest and saddest part of my life? Happiest was the moment he opened his beautiful eyes on me. His eyes that captured my heart, those pair of brown eyes that I won't ever forget and the saddest? The moment he closed his eyes and can't...