Chapter 17

254K 8.7K 1.5K
                                        

Thanks  @MonicajadeDevilla :)


Chapter 17


Sabay kaming sumungaw sa tubig ni Tristan. Agad kaming sinalubong ng kadiliman.I can't see anything. Tanging si Tristan lamang ang nakikita ko .

Ang marahang paggalaw lang ng tubig dahil sa aming mga katawan at ang mabibigat naming paghinga ang aking naririnig. Muli kong tiningnan ang bukana ng kweba kung saan ito na lang ang pinanggagalingan ng liwanag. Damn, kaya pala ganito ko na lang habulin ang aking paghinga. Hindi biro ang layo ng aming nilangoy.



"Who are they Tristan? I heard a gunshot, how about Florence and your cousins? Are they safe?" kinakabahan kong tanong kay Tristan.



"I can't tell Lina, I'm not sure yet. But knowing that they are armed, they are dangerous" sinabi niya ito sa pinakakalmado niyang boses. What the hell?



"Tristan.." napahawak na lang ako sa braso niya. Kinakabahan ako sa nangyayari, akala ko ba ay mangingisda lang kami? Bakit nagkaroon na nang putok ng baril?



"Kailangan nating umahon Lina, follow me" hindi na ako sumagot sa kanya at sumunod na lang ako. Inalalayan niya akong makasampa sa pinakamalapit na bato bago siya mabilis na nakasunod sa akin.

Nauna na siyang maglakad sa akin na parang hindi man lang niya inaalala na may masasamang tao na maaaring pumasok din sa kwebang ito.



"Why are you so calm Ferell? Ikaw na rin ang nagsabing armado ang mga lalaking nasa labas na kwebang ito! Bakit sa halip na tumakbo tayo palayo ay mas pinili mo pang makulong tayo dito? We are damn trapped! We are blind here! I can't see anything Ferell. Kinikilabutan ako sa katahimikan ng kwebang ito. Nilalamig na rin ako. I'm getting nervous Tristan. I am damn scared.." napatigil ako sa aking paglalakad nang tumama ako sa katawan ni Tristan na kasalukuyan na rin nakatigil. Naramdaman kong humarap siya sa akin at marahan niyang sinapo ang magkabilang pisngi ko.



"I can be your eyes" napapikit na lang ako nang halikan niya ang makabilang mga mata ko.



"I can be your warmth.." naglandas ang kanyang mga kamay mula sa aking mga pisngi pababa sa aking leeg hanggang sa makaabot ito sa aking mga balikat. Napakagat labi na lang ako nang paglaruan ng kanyang mga daliri ang strap ng bra ko. Damn Ferell.



"And you can only listen to my voice.." yumuko siya para marahang bumulong sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa aking tenga. Oh shit Tristan Ferell!



"Calm enough?" kahit nasa kadiliman kaming dalawa alam na alam ko kung kailan siya nakangisi o hindi.



"Tristan Ferell" bahagya kong tinampal ang dibdib niya.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Where stories live. Discover now