Chapter 75
How I hate this feeling. This damn feeling again!
Ilang taon ko nang ibinaon sa limot ang sakit na naranasan ko noon, ilang beses ko nang pilit binura sa puso at isipan ko ang mga paghihirap na pinagdusahan ko nang akalain kong wala na siya, pero mukhang ito na naman at sasariwain na naman sa akin ang sakit. Ito at uulitin na naman ang sakit na isinumpa ko nang maramdaman pa.
I am lost without him. I am hopeless. Walang halaga, walang kwenta at kailanman ay hindi na mapapakinabangan pa. My life belongs to him. At ang muling mapawalay at mangulila sa pagkawala niya ang siyang sisira na sa aking katinuan. Halos mabaliw na ako sa kakaisip sa kanya.
Kasalukuyan akong nakahiga sa napakalamig na sahig habang nakatulala sa napakagandang chandelier sa kisame na siyang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng napakagandang kwartong ito.
I am lying on this cold floor with my silver metallic slip dress exposing most of my skin. I am surrounded by different kind of knives, guns and other deathly weapons.
Marahan kong nilalaro ang baso ng wine sa kamay ko na parang itinatapat ko dito ang ilaw mula sa chandelier.
"Tristan.." dumiin ang pagkakahawak ko sa baso at marahas ko itong itinapon dahilan kung bakit umalingawngaw ang pagkabasag nito sa buong kwarto.
"Come on, ilang araw ka nang ganyan" narinig ko ang tamad na boses ni Enna. Isa sa magaling na babaeng agent sa Sous L'eau. She's one of the best assets from cyber intelligence unit.
"Anong gusto mong gawin ko? Be happy? Hawak ng mga sindikatong 'yon si Tristan at wala man lang akong magawa! Anong gusto mong gawin ko? Do some shopping? Have some party?" angil na sagot ko sa kanya.
Bumangon na ako sa pagkakahiga ko, hindi ko na inabalang ayusin ang strap ng dress ko. Mahubaran na kung mahubaran.
Nang magising ako matapos akong iligtas mula sa mga sindikatong humahabol sa amin. Agad tumawag sa akin si Papa mula sa headquarters at sinabing hawak ng mga ito si Tristan.
Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga ikinuwento ni Tristan sa akin noon. Minsan na siyang nahuli at pinahirapan nang matindi na muntik nang makapatay sa kanya. Ayoko nang maranasan itong muli ni Tristan, he don't deserved this kind of cruelty.
Pero ano na naman ang nangyari? He got caught again.
Mabilis kaming nakipag ugnayan sa sindikatong may hawak kay Tristan, humingi kami ng presyo para sa mabilis na usapan pero mahigpit silang tumanggi sa alok namin. They wanted Tristan's death and that fuck syndicate wanted us to watch Tristan's live execution.
Ibinigay nila sa amin ang eksaktong oras kung kailan nila ipalalabas ang pagpatay nila kay Tristan. It is the day after tomorrow, 9:30 pm Berlin Germany time. That means we still have 2 days to save Tristan from them.
Nagkalat ang buong Sous L'eau sa kabuuan ng Berlin, Germany para sa gaganaping pagpatay kay Tristan. They need to ambush the syndicate's hideout before the execution. They need to save Tristan. But the syndicate's damn hideout is unable to track.
They did close all the leads and cleaned the every leak. Our intelligence team can't find any trace of them, they're too good at hiding. Damn. And what is the highlight of all of these? My father did exile me inside this luxury hotel with two experts Sous Leau's watching over me.

YOU ARE READING
Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)
General FictionWhat is the happiest and saddest part of my life? Happiest was the moment he opened his beautiful eyes on me. His eyes that captured my heart, those pair of brown eyes that I won't ever forget and the saddest? The moment he closed his eyes and can't...