Chapter 50

223K 6.9K 967
                                    

Thanks  MaryKrisSedilla :)



Chapter 50


Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ko ang pagtatalo ni mommy at daddy sa ibaba. Ilang taon ko na rin silang hindi narinig magtalo ng ganito at nakakapanibago sa aking pandinig ang mga naririnig ko ngayon.

Mahigpit na bilin sa akin ni kuya na huwag na lang muna akong lumabas ng kwarto at hayaan na lamang ang aming mga abogadong magulang na magdiskusyon ng kanila. Parte na naman sa isang pamilya ang hindi pagkakaunawaan, pero kung mag iisang linggo na nagtatalo na ganito? Mukhang hindi na tama. Kahit sa mga hinahawakan nilang mga kaso ay hindi tumatagal ang pagkakagulo nilang dalawa.

Sinong hinahawakan nila sa pagkakataong ito?

Sinubukan kong lumabas ng kwarto ko nang makita kong nakatanod dito si kuya at marahan siyang umiling sa akin na mukhang di sumasang ayon sa paglabas ko.



"We need to do something kuya, lumalala na ang pagtatalo ni mommy at daddy! Hindi ka ba nababahala man lang?" halos mapatalon na lang kami ni kuya nang makarinig kami ng nabasag sa baba.



"Lean!" narinig kong sigaw ni daddy. Hindi na ako nagpaharang kay kuya dahil nagmadali na akong bumaba sa hagdan. Basag ang paso na nasa pagitan ni mommy at daddy habang umiiyak si mommy at tulalang tulala si daddy.



"We have too Lean, kailangan..." lalong nahindik ang mga mata ni mommy.



"No! no! I can't! Hindi ako papayag! No" tumakbo na ako at yumapos kay mommy.



"Tama na Dad, mom. Kung anuman ang pinagtatalunan niyo, pag usapan nyo ng maayos. Not like this, hindi kayo ito mommy at daddy. Hindi kayo nag aaway ng ganito.." kahit ako ay naluluha na rin sa nangyayari. Bakit ganito mag away ang mga magulang ko?



"Baby, it's just that.." nahihirapang sabi sa akin ni daddy.



"That? What dad? Baka makatulong kami ni kuya.." yapos ko si mommy habang panay ang pag iyak niya.



"We're receiving death threats again Lina.." si kuya na ang sumagot na bumababa na sa hagdanan. What? Is that it?



"Death threats? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa rason mo kuya? We are receiving death threats since we were kids. At kailanman ay hindi tayo nagkaganito! What the hell is our problem? What the hell is the problem Dad? Hindi tayo ganito noon. Please tell me the truth, ayokong kayo lang ang nag iisip ng problema sa pamilyang ito. We are one, right? Isang pamilya tayo. Bakit kailangan niyong itago sa akin ang rason? I am willing to help, I am willing to listen.." nanghihinang sabi ko. Masyado akong naging abala sa pagdating ni Tristan, ni hindi ko na napansin na may mabigat na rin palang problema ang sarili kong pamilya.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Where stories live. Discover now