Chapter 58

214K 7K 1.2K
                                        

SPG Alert.


Chapter 58


Napatitig na lang ako kay Tristan na kasalukuyan nang nakapatong sa isang upuan ang paa habang nagsasalin ng alak. Halatang halata sa kanya ang init ng ulo niya, ni hindi ko magawang makapagsalita man lang sa kanya. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit halos magtakbuhan ang mga 'agent' na nasa loob ng bar na ito.

Napakagat labi na lang ako, talagang pinainit ko ang ulo ni Tristan Matteo Ferell. Sino ba ang matinong lalaki na magpapaulan ng bala para lamang maubos ang tao sa isang bar? Ganito pala magalit ang isang Cap Theo. Ano ba talaga ang nagawa ko? Sumayaw lang naman ako kanin—fuck.


Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang maalala ko na nahaplos ni Gray ang braso ko at nagawa pa niyang kagatin ang tenga ko. Lasing ba talaga ako? Bakit ko pinayagang makalapit sa akin ang lalaking 'yon?!

At nakita itong lahat ni Tristan kaya ganito kainit ang ulo niya.


Muli akong napatingala sa matayog na metal na nasa tagiliran ko. Hindi ako marunong mag pole dancing, anong gagawin ko dito? Magsasalita na sana ako nang umurong ang dila ko nang pagmasdan ko si Tristan. Kulang na lang ay itim na usok sa kanya, nakakatakot ang aura niya at parang isang iglap ay maglalabas siya ng baril.

Tapos niya nang punuin ang apat na baso at mabilis niya na itong ininom ng sunod sunod na parang hindi man lang gumuguhit sa lalamunan niya ang init ng alak.


"Tristan.." tinitigan lang ako ng mga mata niyang napakalamig. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok ng ilang beses, ni minsan ay hindi ako titigan ng mga mata niya ng ganito.

Sobrang init talaga ng ulo niya.


"I don't know how t---" hindi niya na ako pinatapos magsalita dahil malakas siyang nagsalita sa akin.


"Sinayawan mo ang kanong 'yon?! Tapos ako itong boyfriend mo? Hindi ka marunong?! What the hell? Nagkakalokohan ba tayo dito Lina? Ibreak mo na ako! Ipagpalit mo na ako sa kanong 'yon! Tutal naman siya ang sinasayawan mo!" napanganga na lang ako sa mahabang sinabi ni Tristan na kasalukuyan na muling nagsasalin ng alak.


"I don't know how to pole dance Tristan.." mahinang sagot ko sa kanya.


"Let's break up! Hindi mo na ako mahal Lina.." what the fvck?

Tinungga niya na ang bote ng alak. Si Tristan na yata ang lasing. Bakit ang bilis naman?


"Tristan.." hindi niya na ako pinapansin. My god! Ganito palang magselos itong si Tristan. Para siyang batang hindi ko maintindihan, break na agad? Hindi na agad mahal?

Bumaba ako sa parang maliit na stage at lakas loob kong inagaw ang boteng kasalukuyang iniinom ni Tristan. Mabilis kong dinala sa labi ko ang alak at sinisidsid ko ito nang isang mabilis. Hindi pa ako nakuntento dahil ininom ko pa ang alak sa apat na basong sinalinan ni Tristan.


"Share it with me" mabilis akong hinila ni Tristan habang umiinom ako sa bote. Kusa na akong umupo sa kandungan niya at nagsalo kami ng alak gamit ang mga labi namin. Hindi ko na malasahan ang alak dahil sa labi ni Tristan Ferell, ramdam na ramdam ko ang bawat galaw ng mga labi niya na punong puno ng pagseselos.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Where stories live. Discover now