Prologue

5.6K 104 8
                                    

  ~~**~~


"Jeez! Kanina kapa namin hinahanap. Syle? O-Okay ka lang ba? Anong... nangyari?" Ang nag-aalalang mukha ni Shane ang bumungad kay Syle.

Napatingin ang dalaga dito. Bakas ang sakit sa mga mata, namumugto at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Syle!"

Bahagyang niyuyugyog ang balikat nito ni Shane. Tulala at tila wala sa sarili ang kaibigan.

"S-Shane..." nanginginig niyang sambit.

"Syle. Ano ba? Tinatakot mo naman ako eh!" Natatarantang sabi nito. "Ano bang nangyayari sayo? May masakit ba?" Halos hindi magkandaugaga nitong sinuri ang kaibigan.

"Y-Yong anak ng m-may-ari nitong KA. S-Sino?" Naitanong niya.

Bahagyang napatigil si Shane sa ginagawa at maang na tiningnan ito sa mga mata. Bakas ang kalituhan na sinagot naman ang katanungan nito.

"Farra. Her name is Gia Farraday Rheinalde Krimson."

Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod niya. Yong dibdib niya parang sasabog na. Nagsisimula na ring umiinit ang kanyang mga mata.

Pinupuno naman ng pagkabahala ang mukha ng kaharap.

Kaya pala. Kaya pala ganoon siya kung umasta, gumalaw at magsalita, nasa isip niya.

Samu't-saring emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na 'yon.

Pero bakit?

Bakit nagawang saktan ni Farra si Kurt? Ang isa sa mga naging matalik niyang kaibigan! Anong kasalanan ni Kurtiane para gawin nito ang kahindik-hindik na bagay na yon! Walang kapatawaran ang ginawa nito!

Nanlulumong napapaupo na lamang siya. Naramdaman na rin niya ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya.

"Syle, naman ei. Ano ba kasing problema?" Puno ng kaguluhan sa mga mata nito. "Anong kinalaman ni Mistris? Sagutin mo naman ako, oh!"

"Si K-Kurt. S-Sinaktan niya si Kurtiane!" Kasabay ng paghagulhol niya ng iyak sa harap nito.

Bakit si Kurtiane pa?

Napahilamos ito ng mukha. At isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Shane.

"Spill it out. Anong ibig-mong sabihin? Naguguluhan na ako ano ba, Syle! Paanong sinaktan ni Mistris si Kurt?"

Nag-angat siya ng mukha. At biglang nagbalik sa alaala niya ang mga sinabi ni Eamey sa kanya.
 

Mariing naipikit niya ang mga mata dahil pakiramdam niya ay pinipiga at hinihiwa ang puso niya sa tuwing naiisip ang sinapit  ni Kurt mula kay Farra.

"S-Siya ang d-da...dahilan k-kung bakit nag-aagaw b-bu...buhay ang kaibigan natin. S-Sinaktan niya... sinaktan niya si Kurtiane!" Bulalas ni Syle dito kasabay ng malakas na pag-iyak sa harap ng kaibigan.

Masakit.

Sobrang sakit!

Nasasaktan siya dahil sa nalaman niya magmula kay Eamey. Ngunit ang mas masakit ay wala man lang ito dito sa harap niya para ipaliwanag nito kung bakit nito nagawa ang bagay na yon!

"W-What?!?" Di makapaniwalang bulalas nito.

"I saw it."

"W-What is it, then? W-What do you mean, sinaktan ni Farra si Kurt? T-That's impossible!" Malakas na turan ni Shane kasabay ng pag-iiling ng ulo nito.

Kunot-noong hinarap ni Syle ito. Alam niyang hindi kapaniwa-paniwala ang bagay na iyon. But she has proof! Besides, she know what she saw!

"Syle. Siya ang nagligtas kay Kurtiane. Dinala niya ito sa clinic at kung hindi niya ginawa iyon malamang... alam mo na ang ibig-kong sabihin," wika nito.

Mas lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

Niligtas ng shoplifter- I mean ni Farra si Kurt? Pero paanong-?

"Syle," pukaw ni Shane.

Nakatulala lang siya na nakatingin sa mukha nito. Nalilito sa kung sino sa kanila ni Eamy at Shane ang paniniwalaan.

"Walang kinalaman si Mistris sa mga nangyari kay Kurt," paglilinaw pa nito.

"P-Pero..."

Kung tama nga ang mga sinabi nito. Ano ba 'yong nakikita niyang picture? Yong ipinakita ni Eamey ay ano?

Hinawakan ni Shane ang magkabilang balikat ng dalaga. Maiging pinakatitigan sa mga mata. Tila may gusto itong hanapin mula sa kanya.  

"Syle. Tell me the truth. Bakit kaba nagkakaganyan?" Bahagyang naka-kunot pa ang noo nito. "Syle... Mahal mo ba si... Mistris? Mahal mo ba siya?" Walang patumpik-tumpik nitong tanong.

"Shane..." tila may bikig sa lalamunan niyang sambit sa pangalan nito.

Katunayan niyan ay hinahanap-hanap na niya ang kawatang yon. Namimiss na niya ito ng sobra-sobra! 

Naiinis siya dito dahil ni hindi man lamang ito nagawang magpaalam sa kanya!

Ni walang paramdam kung okay lang ba ito.

Kung namimiss din ba siya nito?

At kung babalik pa ba ito!

Nagpakawala si Shane ng malalim na hininga saka niyakap nito ng mahigpit ang kaawa-awang kaibigan.

÷÷÷÷

Author's Note:

I'm not a professional writer. So expect typo's and grammatical errors.
Thanks for those who read and like this story.

Keep 'n touch.

-Acqua14

The Rebel's Queen (Girl's Love 💕)Where stories live. Discover now