Chapter 4

1.8K 65 26
                                    



"JUST Tell Me, Where She Is!"


Umalingaw-ngaw ang kakila-kilabot na boses sa bawat kasulok-sulokan ng VIP suit. Animo'y isang mabangis na halimaw at anumang oras ay kayang-kaya nitong sakmalin at patayin ang mga kalaban dulot ng galit na nagsisimulang mamuo sa dibdib nito.

Sumilakbot ang takot sa mga taga-sunod, nanginginig ang tuhod, pinagpapawisan ng malamig at di halos kayang salubongin ang mga mata ng rebelde. Kumikinang na animo'y diyamante sa ilalim ng buwan.  







"Your grace, Lady Syle is already taken her studies to other place." Magalang na pagpapahayag ni Dion, isa sa mga butler ng rebelde. Matipono at gwapo. Subalit nang mga sandaling iyon ay hindi nakakayanan tingnan ang nag-aalab na mga titig ng dalaga.






Walang narinig na katugon mula sa sinabi nito ang gwapong binata. Senyales na hinihintay rin nitong marinig ang kabuuang pagpapahayag.



Pinuno naman ng pagkabahala ang dalawang butler nang mapansin ng mga ito ang pagdilim ng mukha ng rebelde. Hindi iyon ang inaasahang sagot na maririnig nito.



"The hell I care those godamn place. Bring her back. And don't forget to exile every person who are involved. Make an execution. I need a new registry office." Tila lason ang mga salita nitong binitawan bago nilisan ang mga taga-sunod.



Napabuntong-hininga na walang nagawa ang mga butler na sinunod ng mga ito ang utos ng rebelde.




***



MASAYA naman ang unang pagpasok ng dalaga sa bagong eskwelahan na kanyang pinasukan. May mga nakikilala rin si Syle na mga bagong kaibigan bukod kina Kurtiane at Shane.


"So, what you guys plan to do after this?" si Shane. Last subject nalang at uwian na.

Kumibit-balikat naman si Kurt at napagawi sa kanya ang mga mata nito. Animo'y nagtatanong at hinihingi ang kanyang opinyon.

"Syle?" pukaw ng kanyang mga kaibigan.

"Hhmmm?"

Subalit, wala sa mga ito ang kanyang buong atensyon. Halos hindi pa rin maialis sa kanyang isipan ang mga nasabi sa kanya ni Shane.

"Your zoning out. Are you okay?"

Bigla syang nakaramdam ng pagkaphiya dahil sa kawalan niya ng atensyon sa mga ito. Agad nag-init ang kanyang mukha.

"Well, yeah. Yeah. Okay lang ako. What is it?" may paghinging despensa at tipid na nginitian niya ang mga ito.

"Are you sure--?"

Hindi naman naituloy ni Shane ang mga susunod nitong sabihi  dahil sa naramdaman nito ang bahagyang pagsiko ni Kurt.

May pagkabahalang nagkatinginan ang mga ito sa isa't-isa. Ngunit batid ang pag-uusap sa dalawa na hinayaan ba lamang ang kanilang kaibigan.

Subalit, hindi pa rin maitatago ang pagkabahala kay Shane. Mistulang isang kapatid na ng dalaga si Syle at simula ng makilala nito ang dalaga, doon lamang nito naramdaman ang isang bagay at kailangan niya itong protektahan at alagaan.

The Rebel's Queen (Girl's Love 💕)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt