Chapter 6

643 25 28
                                    

"GOOD Morning." Sinalubong ng halik sa pisngi ni Kurt ang dalagang papalabas pa lamang ng gate. Wearing her V-neck white shirt na tinernohan ng fitted denim jeans. Very simple and yet napaka-elegant. Kahit anong klaseng damit siguro ay bagay na bagay dito. Nakalugay ang tsokolate at mahabang alon nitong buhok.

'Gorgeous as always,' Kurtiane thoughts. This beautiful lady never fails to amaze her. 

Napapikit pa ang dalaga nang masamyo ang mahalimuyak nitong pabango na tiyak mananatili sa loob ng kanyang sasakyan. Mahihirapan na naman siyang ipalinis ito. Well, not a big thing though. Mas gusto naman niya. Pakiramdam niya ay lagi niyang kasama ang dalaga sa tuwing naamoy niya ang pabango nito.

"Good morning," She just smiled. Inakay ni Kurt itong makapasok sa kotse nito.

Para itong mamahalin at babasagin na kailangang pag-ingatan at bantayan. That what's Kurtiane did for the passed few months/years.

"Thanks."

"You're always welcome," Kurt plastered her sweetest smile. Napailing nalang ang dalaga. She's getting used to it. Sa ilang taon ba naman nilang pagkakaibigan siguradong masasanay talaga siya sa ka-sweetan at maalagain nito.  Pumasok na rin ito at nagsimulang magmaniobra.

"How was your sleep?" Makaraa'y narinig ni Syle na wika ng katabi. Siguro napapansin ng kaibigan niya ang pananahimik at pagkawala sa sarili. She's been pre-occupied since that day.

"Its uhm..." Napatikhim siya. "fine," she lied. Truth is, ilang araw na siyang binabagabag ng sulat na iyon. Maraming katanungan ngayon sa isipan ng dalaga kung bakit ito pinadalhan ng sulat mula sa dating paaralan. Bakit siya pinapabalik sa lugar na yon? May isang bagay ang pumapasok sa utak niya but she tried to erase it coz that's impossible. She even tried to confront Nik kung sino ang naghatid ng sulat na yon. Pero wala namang sinabi ang kanyang kapatid. Obviously, may itinatago sa kanya si Nik.

But why?

Until now, wala pa rin siyang balak na ungkatin iyon. And thank god mukhang alam rin yon ng mga kaibigan niya. Kung sakali man na tatanungin man siya sa bagay na yon, her answer will still remain 'No'.

Wala nang rason pang bumalik sa lugar na yon. It's been 2 years for pete's sake! Ngunit, bakit parang ang hirap pa ring makalimot? Funny it is. That woman made her feel like she love her and then she just left, and now she came back just like it was nothing. Anong gusto nitong mangyari? Aasang babalik siya? She has no time for this love game.

She's been in pain for years. Maybe that's the reason why she can't bear to see those face again. Besides, it wasn't just the pain she's enduring for these years. But for the fact that she's inlove with that rebel. Confused pa rin siya magpahanggang ngayon para sa sarili. Kung sexual preference ang pagbabasehan, why can't she find attractions to other girls. She even tried to do such thing like dating, etc., pero wala pa ring nangyayari. Infact, nagkacrush pa siya kay Jerion Thask, isang freelance photographer na nakilala niya a year ago. They became friend and after two months ay umamin ang binatang may gusto sa kanya. He may be find him very attractive but that doesn't mean gusto na niyang magcommit in a relationship with him. Hindi pa siya handa sa bagay na yon.

Meanwhile, lingid kay Syle ang panaka-nakang pagsulyap ni Kurtiane dito. Aware ang dalaga sa ilang araw na pagiging tahimik at tila laging may malalim na iniisip. Ikinabahala ni Kurt na baka may kinalaman ang sulat na natanggap nito sa ilang araw na pagiging wala sa sarili ang dalaga. Until now, malaking katanungan pa rin sa isipan nila kung bakit gustong pabalikin si Syle sa KA. Which obviously, ayaw ng dalaga. At kung sakaling tatanggapin man iyon ni Syle, she will definitely follow her wherever she goes. But for now, hindi iyon ang nagpakaba sa kanya. She can see how serious Syle of not going back to that place. Ang tanging ikinabahala lamang niya ay ang maaaring gawin ng sinuman na may nais kapag nagtagal pa ito. Syle might be in a big trouble. Baka kung ano pang gawin ng taong yon. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang maalis sa kanyang paningin ang dalaga. Kung kinakailangan oras-oras ay bantayan niya ito gagawin niya. Hindi maaaring makuha ng sinumang yon si Syle.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Rebel's Queen (Girl's Love 💕)Where stories live. Discover now