Chapter 2

1.9K 61 11
                                    

Two month later...

"Tol! Tapos kana?"

Mula sa kusina, maririnig ang boses ni Nik. Umaabot ang aroma ng putaheng niluluto nito sa bawat sulok ng bahay. Ipinaghanda naman ni Nik ng makakain ang nakababatang kapatid. Maya-maya lang din ay aalis ito patungong trabaho.

"Yup! Almost!" Sigaw ni Syle ng marinig ito.

"Hurry! Baka ma-late kana sa school!"

She can't help but to roll her eyes. Si Nik talaga. Kunsabagay, first day niya ngayon sa McField. And it's not a good impression for being late lalo na't unang pasok palang.

"Hey!" Humalik si Syle sa pisngi nito nang makababa. Bahagyang nagulat pa si Nik sa ginawa ng kapatid. "Maaga pa, oh!" ika niya matapos tignan ang orasan sa braso.

"Yeah. Yeah. Mas mabuti ng maaga kesa late, diba?" Sabay gulo nito sa kanyang buhok. The mothering Nik, saad ng kanyang isip. Muling napaikot nalang ang kanyang mga mata.

Sa halip na makipag-argumento ay dumalo na lamang ang dalaga sa mesa. Kumakalam agad ang sikmura nito sa naamoy.

"Hhmm. Sarap!"

Pikit-matang ninanamnam ni Syle ang putaheng niluto ng nakakatandang kapatid.

"Syempre, tol. Ako pa!"

Ikinatuwa naman iyon ni Nik lalo na't nakakaaliw pagmasdan ang magandang mukha ng dalaga.

"So... akyat lang ako sa taas para  magpalit." Paalam nito nang mangalahati agad ang pagkain ng kapatid. "Ang takaw mo talaga!" Sabay gulo sa buhok ni Syle na agarang iniwas naman ng dalaga. Dalawampung-minutong pinaghirapan nito ang pag-aayos sa buhok kaya ganoon na lamang ang pag-iingat nito.

"Where you going, kuya?" Ngumunguyang tanong niya.

"Ihahatid kita sa school." Mabilis ang mga kilos nitong umakyat tungong silid nito.

Mabilis na nilunok niya ang kinakain.

"No need!  Kuya Nik!" Sigaw niya.

Napahinto si Nik at nilingon ang kapatid habang nakataas ang isang kilay nito na may guhit na pagtataka sa mukha.

Insaktong may bumusina sa labas. Hindi pa man nakakilos si Nik ay may sinabi na ang kapatid dito.

"Tell her to wait. Magto-toothbrush lang po ako." Mabilis ang mga kilos na tumayo si Syle. Habang si Nik naman ay napapailing ma bumaba  at lumabas.

Binuksan naman ang bintana ng may sakay at kumaway ang nakangiting si Kurtiane sa nakakatandang kapatid ng kaibigan nito. Inaya ni Nik na pumasok sa loob ang dalaga ngunit magalang na hinindi-an naman ito ni Kurt. Hihintayin nalang daw nito ang dalaga sa loob ng sasakyan.

"Done!" Muling hinalikan ni Syle sa pisngi ang kapatid bago nagpaalam dito.

Samantala, ikinatulala pa rin ng may sakay ang makita ang hitsura ni Syle. Mas lalo itong gumaganda sa kanyang mga mata. Marahas na ipinilig ni Kurtiane ang ulo at sinalubong ito.

"What took you so long, princess?" Nakangiting wika ni Kurt na binigyang taas-kilay lamang nung isa. Lihim na ikinangiti naman nito ang pasupladang ginawa ng dalaga dito.

"Nandito na ako. So... Don't. dare. me." Kunwa'y inis na wika ni Syle sa kaibigan. Ayaw na ayaw niya kasing minamadali siya.

"Sabi ko nga. C'mon." Naiiling na sabi nalang ng kaharap.

Pinagbuksan ni Kurtiane ng pinto ito at pumasok naman sa loob ang dalaga. Kumaway pa ito kay Nik na nanatiling nakatayo sa may bukana ng pintuan, nagmamasid sa dalawa. Sinuklian naman ito ng kaway sa huli.

The Rebel's Queen (Girl's Love 💕)Where stories live. Discover now