Chapter 1

2.9K 79 14
                                    

Usok at polusyon ng mga sasakyan. Ang mabagal na usad trapiko. Ang mga ito ay kailanma'y hindi makakalimutan ni Syle dito sa Pilipinas.

Sa loob ng GIA o Global International Airport. May pait sa alaalang inilibot ni Syle ang tingin kung saan binago ng lugar na to ang kanyang nananahimik na mundo. Kung saan nagsisimulang natutong tumibok ang inosenteng puso. Nasaktan at nabigo.

Mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang pangalan niya ay Syle Andie Rockwood, 20 yrs old. Isang Fil-Canadian, and photographer.

Hinawi ng mga kamay ang iilang hibla ng buhok mula sa pagkakatakip nito sa mukha. Malambot at mabagsak na sinuklay ng mapuputing daliri ang kulay tsokolate nitong buhok.

"Syle? Is everything alright?"

Napatuon ang mga mata ni Syle sa ina. Ang ganda nito ngayon sa suot,napaka-sopistikada kung titingnan. Maikli ang buhok na mas lalong nakapadagdag sa angking kagandahan ng butihing ginang. Mababanaag ang kakaibang kislap ng mga mata nito. Lalo na't katabi ang dating iniirog.

"I'm fine, Mom," matipid na naisagot ng dalaga. Lingid sa dalawa ang kabang nararamdaman nito.

Phil died a year ago. Naging mabuting katipan naman ang lalaki sa kanyang ina.

Ipinatong ni Jordan ang kanang kamay nito sa dalaga. Binigyan ng ngiti sa labi.

"We're back home."

"Yes, Daddy. I'm sure, namiss nyo po ang Pilipinas," aniya sa ama.

Maaaring hindi ito tunay na pinoy ngunit mahal na mahal ng Daddy niya ang kulturang Pilipino. Kung bakit ngayon lang kasi napagpasyahan nitong bumalik ay wala siyang kaalam-alam.

"C'mon, dear. I think your brother is already here," yakag ng butihing ina sa anak na dalaga.

Tulak ang cart na sinimulan ng tatlo ang paglalakad.

"Kuya Nik!" bulalas niya.

Sinalubong ng mainit at mahigpit na yakapan ang labas ng paliparan, pinuno ng galak ang mga mukha. Sa mahabang panahong pangungulila sa isa't-isa ay ngayon lamang nagkakatagpo. Napawi na rin ang lungkot at hirap ng mga bayaning nagsasakripisyo sa ibang lugar upang maiahon ang kani-kaniyang pamilya. May iilan na nalulungkot, baon ang pagmamahal para malampasan ang pangungulila sa mga taong maiiwan. Aalis na may katatagan at lakas ng loob sa sarili na tanging baon lamang ay ang mga pangarap.

"Kumusta, bunso?" Bakas ang kagalakan sa mga mata ng panganay na kapatid at pinanggigilan nitong kurutin ang pisngi ng dalaga.

"I'm fine. Gosh! Kuya Nik. I really missed you!"

"Ako rin, tol," sabay gulo ni Nik sa buhok niya.

Napatanga siya.

Biglang may tumalon sa kanyang puso. Matagal-tagal na rin noong huling narinig niya ang pagtawag na iyon mula sa kapatid. Isang halik sa pisngi ang natanggap niya.

"I missed you too, bunso!" He said. At niyakap siya ng mahigpit.

Dalawang taon na rin mula noong huling pagkikita nilang dalawa.

"Hi Mom. Dad," bati ni Nik.

Napakalas siya mula sa pagkakayakap dito.

May ngiting tiningnan ni Syle ang mga magulang nila. Kasiyahan ang tanging makikita sa mga mata ng dalawa.

"My, son!" bulalas ni Zylleane na may pananabik at hinalikan sa pisngi ang anak. "I can't believe ang laki mo na ngayon!" Ngumisi lang ang binata buhat sa tinuran ng ina nito.

The Rebel's Queen (Girl's Love 💕)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ