March 3

6.7K 206 25
                                    

Alden's POV

"RJ." Ani Kuya John, ng makita ako sa isang coffee shop malapit sa office niya. Nagtext ako kay kuya John, para itanong kung pwede kaming magkita at magkape and he said yes.

"It's her birthday."

Nginitian niya lang ako bago ako tinapik sa balikat. Kuya John is like a real Kuya to me. Sa kanya nga ako madalas magsabi kapag may problema kami ni Meng. At alam kong alam niya kung nasaan talaga si Meng,

"Dinner tayo to celebrate Meng's birthday, isama natin sina Ate Nikki."

"Rj."

"Alam ko naman galit sila sa akin pati ikaw."

"Hindi ako galit sayo RJ, sumama ang loob siguro OO. At tungkol naman sa kanila, wala tayong magagawa. Kadugo nila si Meng, at hindi ka nila itinuring na iba kaya nasasaktan din sila sa nangyayari sa inyo."

"Kamusta naman ako Kuya? Ano ba tingin nila sakin? Natutuwa sa nangyayari samin? Kuya, alam ko may kasalanan ako, kaya nga mas nagagalit ako sa sarili ko dahil nasaktan ko yung taong sumumpa ako sa sarili kong hindi ko sasaktan."

"Pero nasaktan mo."

"Hindi ko naman sinasadya Kuya."

"Cheating is a choice."

"Pero hindi ko gusto 'yun Kuya.. I didn't choose it. Biktima ako. Kapag sinabi mong cheating is a choice, para mo na ring sinabi sa akin Kuya na alam ko na lolokohin ko talaga sya, na may plano ako. Hindi ganun yun"

"Pero may nangyari. Ginusto mo o hindi may nangyari."

"Kuya, bat ganon? Bakit hindi niya ako hinayaang mag paliwanag? Bakit bigla na lang siyang umalis?"

"Ano ba ipapaliwanag mo sa kanya kung bibigyan ka niya ng chance na magpaliwanag? Nasaktan siya brad, nasaktan yung babaeng pinangakuan mo na hindi mo sasaktan. Ginusto mo man yun o hindi, sinadya man o hindi, nasaktan mo pa rin sya."

"Kuya bakit ganon? sa isang pagkakamali buong buhay kong pagsisisihan ang nagawa ko?"

"Isipin mo na lang na aral 'yun para sa'yo. Doon ka talaga matututo eh. RJ, nag-usap na ba kayo?"

Umiling ako. "Kinausap ko ang management sinabi ko na hindi ko na kaya tapusin ang teleserye namin. They asked me why and i can't give them the reason."

"Naapektuhan na ang trabaho mo. Kahit siguro galit sayo 'yun ayaw niya ng ginagawa mo ngayon."

"Ano ba dapat kong gawin?"

"Ayusin mo ang buhay mo."

"Paano ko aayusin ang buhay ko nawala na yung taong dahilan kung bakit gusto kong mabuhay? Bakit lagi na lang akong iniiwan ng mga taong mahal ko? Ang mommy ko, ang lola ko, tapos ngayon si Meng."

"Yung sa mommy at lola mo wala kang pwede magawa dun eh. Pero sa pagkawala ni Meng sa buhay mo ikaw mismo tumulak sa kanya para gawin yun. Alam ko mahal mo sya at mahal ka din nya pero nagkamali ka. Pagkamamaling hindi madaling kalimutan. Siguro kung sa ibang araw nangyari yun baka kahit paano, kaya niyang pakinggan ang dahilan mo, pero kasi RJ, anniversary nyo."

"But it was a set up kuya."

"Set up na kung set up pero may nangyari. May choice ka kasi and you choose to be with her. Ginusto mo man o hindi may nangyari sa inyo."

"Can you tell me where she is?"

"Sorry brad. If I do that baka pati ako isumpa ng Mendoza family."

"But how she is? Is she okay?"

Umiling si kuya John. "She not okay. But I think she is going to be fine. Kagaya nya, magiging okay ka din. Sa ngayon hayaan mo na lang muna siya. Babalik din yun kapag handa na sya."

"Babalikan pa kaya nya ako?"

"Ayun ang hindi natin alam pero kung nakikita ka ngayon ni Meng, hindi sya masaya na ganyan ka."

"Kuya, sya ang buhay ko."

"Sana naisip mo yan bago ka nakipagsex kay Haidee."

Mataman tinignan, si Kuya John.

"Brad, OO alam ko naman mahal mo si Maine, pero kasi hindi simpleng pagkakamali lang ang nagawa mo."

"Alam ko naman yun Kuya, pero sana binigyan nya ako ng chance para mag paliwanag."

"Kapag ba binigyan ka nya ng chance, mababago ba nun ang nangyari? Mawawala ba yung sakit na ibigay mo kanya? Hindi naman 'di ba? Alam mo kasi sobra kang mahal nun, palagay ko nga mas mahal ka nya kesa sa pagmamahal niya sa sarili niya. Palaging si RJ yun, gusto ni RJ yan, ayaw ni RJ nyan, kaya nga madalas namin syang inaasar na umiikot na lang ang mundo niya sa'yo at totoo naman 'yun laging si RJ bago si Maine. Alam ko naman na ganon ka din pero ang kaibahan nyong dalawa she is true to her words na "ikaw lang". Habang ikaw, natukso sa iba, may choice ka kasi brad, at pinili mo yung maling pamimilian."

Tinapik ni kuya John ang balikat ko dahil umiiyak na pala ako.

"Brad, hayaan mo muna si Maine, babalik naman yun kapag handa na sya na kausapin ka. Sa ngayon kasi masakit pa."

"Paano kung wala na kong babalikan?"

"Hindi ko alam RJ, hindi ko alam. Basta ang alam ko hindi magiging masaya si Maine, kapag makikita ka nyang ganyan."

"Don't you hate me?"

"Gustong gusto ko brad, gustong gusto ko magalit sayo kasi nakita ko kung paano si Maine sa'yo. Kung gaano kahaba ang pasensya at pang unawang binibigay nya sayo. Pero sa kabilang banda, nakita ko din naman kung gaano mo kamahal yun at nagkamali ka nga lang, pero mahal mo 'yun. Halos lahat sila galit na nga sayo tapos makikisama pa ba ako sa kanila? Paano ka na? Saan ka pa pupunta? Sino pa kakampi mo? Basta ayusin mo na lang ang sarili mo para kay Maine."

"Hindi ko alam paano mabuhay ng wala sya?"

"Sya rin naman eh. Pero kasi si Meng, pilit nyang inaayos ang sarili nya kahit wasak na wasak sya. And ikaw, ayusin mo din sarili mo."

Maine's POV

March 3 it's my birthday! Wow, 25th birthday ko. 25 na ko pwedeng-pwede na ko mag-asawa at ito yung ideal age ko para lumagay na sa tahimik. Napag-uusapan pa nga namin to eh, 29 na sya and 25 ako, ang ideal age namin to get married! Pero syempre, hanggang pangarap na lang 'yun. Dahil wala ng RJ at Meng, wala ng siya at ako. Nakakapanghinayang na nauwi sa wala ang halos limang taong relasyon namin. At totoo, umasa talaga akong sya na 'yung lalaking makakasama ko habang buhay, magiging tatay ng mga magiging anak. Magkasama kaming nangarap na bumuo ng masayang pamilya pero hanggang pangarap na lang 'yun. Minsan iniisip ko kung kamusta na sya 10 days na din yung nahuli ko syang may katabing ibang babae, 9 days na din ng huli kaming magkita. Ilang araw pa ba ang kailangan lumipas para maging handa akong kausapin sya at harapin sya? Ngayon kasi masyado pa din masakit yung ginawa niya at hindi ko pa din alam ang plano ko. Nung huling nagkausap kami ni Coleen, sabi nya umuwi na ko pero hindi pa ako handang umuwi. Kahit mga magulang ko, gusto na akong pabalikin ng Pilipinas, pero hindi pa ako handang bumalik doon. Alam ko kapag bumalik ako mas magulo. Hndi ako handang sagutin ang mga tanong nila, yung mga bashers, haters. Maipapamukha nila sakin ngayon na hindi talaga ako bagay sa isang Alden Richards. Nami-miss ko ang pamilya ko, ang mga pamangkin at mga kaibigan ko pero hindi pa ako pwedeng bumalik ng Pilipinas hindi pa ako handa. Nami-miss ko na din ang mga social media accounts ko pero sigurado naman na madami akong mababasang negative at aaminin ko na sa mga oras na to hindi ko yun kailangan. Naisip ko magpunta ng States kung saan walang nakakaalam kung nasaan ako, kung saan walang makakakilala sa akin gusto ko magsimula ng bagong buhay ng wala sya.
Rj, I want to hate you so bad but i love you too much......

10 years laterWhere stories live. Discover now