Ikatlong Kabanata

886 45 2
                                    

IKATLONG KABANATA


- SKY ALICIA ASUNCION -


"So... eto na ang huli nating... pagkikita?" tanong sa kanya. Hindi ko alam pero talagang nakakaramdam ako ng lungkot matapos n'yang sabihin iyon.

"Oo. At kalimutan mo nang nagkita tayo," malamig n'yang tugon.

"Pero – "

"Dapa!" nagulat nalang ako nang bigla n'ya akong hilahin palapit sa kanya at dumapa. Nagulat nalang ako nang may narinig akong ilang pagputok ng baril kasabay ng pagtayo namin ni Dark paalis sa lugar na 'yon at nagtago sa likod ng isang bus. Nagsigawan at nagtakbuhan narin ang mga taong nando'n dahil sa gulat at takot.

"P*tang*na," narinig ko pang nagmura s'ya habang may kinukuha sa may jacket n'ya.

"A-Ano'ng nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Mga parak. Nakita nila ako," naglabas s'ya ng baril tsaka sumilip sa labas. Para akong na-estatwa sa narinig ko. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko; takot, pagkabigla, pagkamangha... lahat na.

"Hoy, babae ano'ng tinatayu-tayo mo d'yan? Gusto mo bang mamatay?" tanong n'ya habang binabaril rin 'yung mga pulis. Malutong pa s'yang nagmura nung muntik na s'yang tamaan. Nanlilisik ang mga mata n'yang napatingin sa akin. "Magtago ka bilis!"

"H-Ha? Ano – Eh? Ano – B-Bakit?" natataranta kong tugon.

Nagmura s'ya nang mahina bago magsalita. "Ayoko na 'yang mga pulis na 'yan ang papatay sa'yo dahil ako lang ang may karapatang patayin ka naiintindihan mo?! Sa akin ka lang at ako lang ang dapat na may karapatang patayin ka!" binaril n'ya ulit 'yung papalapit na pulis saamin. "Kaya 'wag kang tatanga-tanga at magtago ka sa likod ko kung gusto mo pang mabuhay!"

"O-Oo!" sa takot ko ay agad akong nagtago sa likod n'ya habang s'ya nama'y binabaril ang mga pulis na umaatake sa'min. At ang mas lalo kong ikinabigla ay binalutan n'ya ako ng kanyang coat, inakbayan ng mahigpit at hinilig n'ya ako sa kanyang katawan bago kami tumakbo ng mabilis habang pinagbababaril n'ya ang mga pulis na umaatake. Kahit mag-isa lang s'ya ay nagawa n'yang mapatay ang kalahati sa kanila.

"Sundan n'yo ang rebelde! May bihag s'yang nurse!" sigaw ng isang pulis at tinantyang tatamaan nila si Dark ngunit nabigo sila dahil naunahan na silang barilin ni Dark.

Hindi n'ya ako bihag! Itigil n'yo ang pag-atake sa kanya! Uuwi lang naman s'ya sa kanila! Gusto ko 'yung isigaw pero walang boses na lumabas sa aking bibig.

Naramdaman ko na lamang ang paghigpit ng yakap saakin ni Dark. "'Wag kang mag-alala. Makakatakas din tayo. Magtiwala ka muna saakin."

"...Magtiwala ka muna saakin." Hindi ko alam pero... biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung sinabi n'ya iyon.

Napunta kami sa looban para takasan ang mga pulis na humahabol sa amin. Pagkalabas namin sa nasabing squater's area ay agad akong hinila ni Dark papunta sa lugar na maraming tao para iligaw ang mga pulis. Mukhang epektibo rin ang ginawa n'ya dahil nalilito na ang mga pulis kung sa'ng direksyon kami pumunta. Subalit pansamantala lamang iyon dahil may natanaw na rin kaming mga pulis na papunta sa direksyon namin.

"Lintek!" malutong pa s'yang nagmura. Nanggagalait s'yang pinaputukan ng baril ang binti ng dalawang pulis dahilan para mag-panic ang mga taong nandoon sa pamilihan. OO sa pamilihan. Napadpad talaga kami sa pamilihan.

"Dark 'wag dito!" pigil ko sa kanya. Binigyan n'ya ako ng masamang tingin at pakiramdam ko parang kakainin na n'ya ako ng buhay pero hindi ko na lamang iyon pinansin. "Kapag dito ka nakipagpalitan ng bala sa mga pulis, maraming inosenteng tao ang madadamay kaya please itigil mo na 'to! Please, Dark. Please..."

When the Sky turns DarkWhere stories live. Discover now