Ikaapat na Kabanata

909 41 3
                                    

IKAAPAT NA KABANATA


- TAGAPAGSALAYSAY -


"'Yun lang ang misyon n'yo pumalpak pa kayo?!" bulyaw ni Chief Inspector Mateo Guingona sa mga pulis na rumonda sa bus terminal. Nakabalik na kasi sila sa headquarters para i-report ang nasabing insidente samantalang nasa ospital naman ang mga kasamahan nilang sugatan. Pinaghandaan nila ang nasabing raid simula nung marinig nila na buhay pa ang commander ng Uno Soulde, ang pangalan ng unang grupo ng mga rebelde.

Napayuko ng ulo ang mga pulis maging ang kanilang inspector. Huminga ng malalim si Chief Guingona bago magsalita. "Ikaw naman, Inspector Señoron, hinayaan mo lang 'tong mga members mo na magpabaya! Hindi na sila bata para tumunganga at panonoorin ka na lamang! Marami sa mga members mo ang nasugatan ang partners dahil hindi n'yo naisip na mag-back up sa kanila at nawala ang buddy system ninyo! Isang rebelde lang 'yon! ISANG REBELDE!"

"Masyadong mabilis ang pangyayari, Chief. Masyadong mabilis si Commander Alpha ng Uno Soulde kaya nauunahan n'ya ang mga pag-atake namin! Sinubukan ko s'yang patamaan ngunit sadyang naiwasan n'ya 'yon," tugon ni Police Office II Hugh Timothy Javier. Apat na taon na s'ya sa katungkulan at masasabing bata pa s'ya sa serbisyong iyon.

"Yes, it all happened so fast and Uno Soulde Commander Alpha is so fast too. Epitaph of the dead and untrained," the Chief said in such sarcasm. "Excuses, excuses. Isa lang s'ya, marami kayo. Ano 'yun isa s'yang superhero na one versus thirty-six? I couldn't believe this."

"Pero Chief hindi namin s'ya kayang patamaan dahil may bihag s'yang nurse – " halos magtaas na ng tono si Hugh ngunit pinigilan s'ya ng kanyang inspector. He just shut his mouth and sit with full of disgust to the said target.

"Guard the District 5 Bus terminal as well as the area. Hindi natin hahayaang makatakas ang rebeldeng 'yon and this time, ayoko nang may papalpak pa," he ended as he gone out the office.Napatingin naman kay Hugh si Inspector Señoron at napailing tsaka ito lumabas sa nasabing kwarto kasabay rin ng paglabas ng kanyang mga kasamahan.



"BWISIT!" napagbuntungan ng galit ni Hugh ang isang walang laman na lata habnag naglalakad sa bayan. Papunta na kasi s'ya sa kanyang bahay na madadaanan lang rin ang looban maging ang pamilihan. Napatingin s'ya sa may dingding kung saan nakapaskil ang wanted posters ni Commander Alpha. Naitapon n'ya ang toothpick na kanina palang n'yang kinakagat dahil sa galit habang nanggagalait na napatitig sa lawaran ng nasabing rebelde. "Sisiguraduhin kong hindi na ang mga sundalo ang makakahuli sa'yo, kung hindi ako," nahikulamos n'ya iyon sa kanyang kamay at itinapon sa kung saan tsaka s'ya tahimik na naglakad ulit.

"MAGNANAKAW!!!" agad s'yang napatingin do'n sa pinagmulan ng boses at bumungad naman agad sa kanya ang tumatakbong lalaki palabas ng eskenita dala ang isang bag na pangbabae habang hinahabol rin ito ng babaeng mismong may-ari ng nasabing bag. Agad namang bumunot ng baril si Hugh sabay habol rin sa nasabing kawatan. Mabilis ang pagtakbo ng kawatan kaya hindi na ito nahabol ng ale ngunit wala rin s'yang ligtas dahil hinahabol parin s'ya ni Hugh.

"TIGIL!!!" sigaw ni Hugh ngunit hindi nagpadaig ang kawatan at nagtatatakbo parin ito para lang matakasan s'ya.

"TABI!!! TUMABI KAYO!!! ALIS!!!" sigaw ng kawatan sa mga nakakasalubong n'ya at kumakaripas parin sa pagtakbo at pagtakas habang hinahabol naman s'ya ni Hugh. Nakahanap naman ng solusyon si Hugh para maunahan ang kawatan. Dumaan s'ya sa may shortcut para ibulaga at mahuli ang kawatan. Saktong pagkalabas n'ya sa nasabing shortcut ay bigla na lamang itong nadapa. Agad namang hinawakan ni Hugh ang kawatan ngunit tila'y nawalan ito ng malay.

When the Sky turns DarkWhere stories live. Discover now