Ika-Labindalawang Kabanata

708 32 0
                                    


IKA-LABINDALAWANG KABANATA

- SKY ALICIA ASUNCION -

"Kamusta ka naman rito?" napatingin agad ako kay Delta na ngayon ay inaabot sa'kin ang isang burger at isang softdrinks na galing sa isang sikat na fastfood chain dito sa Salvador.

Pangiti kong tinanggap ang mga pagkain bago sumagot. "Okay naman. Naging kumportable na rin ako rito. Tsaka, kahit hindi ako nakakalabas dito, hindi naman ako nababagot dahil sa mga batang nakikipag-kwentuhan sa'kin. Ang ingay kasi nila at ang dadaldal pa," natawa ako sa huli kong nasabi habang si Delta nama'y pangiting umupo sa tabi ko.

"Naku gano'n talaga ang mga batang 'yon kaya masanay ka na," pangiting turan ni Delta tsaka n'ya kinain ang hawak n'yang burger. "Hmm. Masharap talagang mamili ng pagkain si India. Nakakagutom 'yung tatlong operasyon na ginawa natin kanina."

Natawa naman ako sa sinabi n'ya. "Oo nga eh," kumagat muna ako sa burger bago magsalita ulit. "Nga pala Delta, nung hindi ka pa rebelde, ano 'yung estado ng buhay mo noon?"

"Hmm... doktor din ako noon," aniya sabay inom ng juice. "Kaso, tinanggalan ako ng lisensya. Inalis nila ang pagiging lisensyadong doktor ko na matagal ko nang pinangarap dahil sa isang pagkakamali."

"Ano naman iyon?" tanong ko ulit sa kanya.

Tumingin lamang s'ya sa'kin at ngumiti bilang sagot. Pero alam kong hindi umabot ang ngiting 'yon sa kanyang mga mata. "Mahabang kwento. Basta ang alam ko, may hindi akong sinunod at hindi ginawang bagay na alam kong masama at hindi dapat gamitan ng scalpel."

"Kaya mo ba hindi ginawa ang bagay na tinutukoy mo, dahil hindi mo kayang gawan ng masama ang kapwa mo dahil lang sa pera, 'di ba? Bilang isang doktor, ang trabaho mo ay dugtungan ang buhay ng tao hindi ang ipagkait ang pagkakataong mabuhay sila at gawin ang mga bagay na hindi pa nila nagagawa sa buhay nila, 'di ba?" sabi ko sabay tapon sa tissue na hawak ko. Napatingin ako sa kanya at napansin agad ang mataman n'yang pagtitig sa akin. "B-Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

"Ibang klase ka nga talaga," pangiti n'yang tugon. "Tama nga ng pagkakakilala si Alpha sa'yo."

Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Natawa na lamang s'ya nung makita n'ya ang itsura ko at tinapik na lamang ako sa ulo. "Kalimutan mo na 'yon," tumayo s'ya at umalis sa aking tabi. Natauhan naman agad ako sa kanyang pag-alis kaya agad ko naman s'yang sinundan.

"Te-Teka lang Delta may sasabihin ako – ah!" saktong pagliko ko ng daan ay ang pagbangga ng aking mukha sa dibdib ng kung sino na mistulang pader sa sobrang tigas. Agad naman akong napatingala at bumungad sa'kin ang mukha ni Dark. Ang lapit na naman ng mukha n'ya sa mukha ko! Pustahan pulang-pula na naman ang mga pisngi ko!

"Ah-ah – ah! Aray aray aray aray!" sinapo ko agad ang aking noo at umakto na sobrang nasaktan ako sa pagtama ng mukha ko sa dibdib n'ya. Oo alam kong masyado itong lame pero ito ang naisip kong solusyon para 'di n'ya makita ang namumula kong pisngi. Bubwit talaga! 'Di ba talaga pwedeng hindi magtagpo ang mga landas namin kahit isang araw lang?!

Narinig ko na lamang ang pigil n'yang pagtawa. Hay naku, masyado ba talaga akong halata?

"Patingin nga," akma n'ya sanang iaangat ang mukha ko ngunit agad ko namang tinabig ang kamay n'ya at mas tinakpan pa ang mukha ko.

"'Wag na okay na ako. Makikiraan ako," sagot ko habang pinipilit ko s'yang pinapaalis sa daan pero nabigo naman ako dahil masyado s'yang malakas para sa'kin. Napasinghap ako nang wala sa oras nung bigla n'yang pinulupot ang isang braso n'ya ang bewang ko at hinila palapit sa kanya. Ayan na naman ang mga mata n'yang tinutunaw ako sa bawat titig. Inaykupo!

When the Sky turns DarkWhere stories live. Discover now