Ika-Labintatlong Kabanata

597 27 0
                                    


IKA-LABINTATLONG KABANATA

- SKY ALICIA ASUNCION -

"Nagkita rin tayo sa wakas, Commander Alpha," napatingin agad kami ni Dark sa nagsalita. Napangisi naman ito nang makita ang blangkong itsura ni Dark kaya mas tinutukan n'ya pa ito ng baril na hawak nito.

"Hu-Hugh..." nausal ko habang nakahawak nang mahigpit si Dark sa kanya. Teka, ano'ng ginagawa ni Hugh dito? Pa'no n'ya kami natunton?

Napatingin naman agad sa akin si Hugh. Hindi ko alam kung nag-ha-hallucinate ako o ano pero mukha s'yang nag-aalala ng sobra. Nilipat n'ya ang tingin kay Dark tsaka dahan-dahang kinalabit ang hammer ng kanyang handgun. "Inosente s'ya. Wala s'yang ginagawang masama kaya pakawalan mo na s'ya."

Ngunit hindi natinag si Dark ng baril na nakatutok sa ulo n'ya. Nakaramdam naman ng inis si Hugh nung makita n'yang nakangisi pa ito sa kanya. Hindi n'ya namalayan ang pagsipa ni Dark sa kanya dahilan para matapon ang baril na hawak n'ya. Agad n'yang kinuha ang isa pa n'yang baril sa tagiliran ngunit agad s'yang sinalubong ng Dark ng kanyang baril. Napasinghap na lamang ako dahil sa kaba at takot nang hinila ako palapit ni Dark at yakapin nang mahigpit.

Damang-dama ko ang sobrang panginginig ng mga kalamnan ko dahil sa sobrang takot at damang-dama ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.

"Ayoko." pangising sagot ni Dark kay Hugh.

Kumunot agad ang ulo ni Hugh sa narinig n'yang sagot kay Dark. "A-Ano'ng sabi mo?"

"Ayoko," ulit ni Dark as mas lalo pa n'ya akong hinawakan nang mahigpit. "Hindi ko ugaling ibigay ang pag-aari ko."

Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi n'ya. Jusko mamamatay na ata ako sa sobrang palpitation dito!

Pigil na galit ang nakikita ko sa mukha ni Hugh ngunit ang ikinakatakot ko ay desidido na s'yang barilin si Dark!

"SUMUKO KA NA! NAPAPALIGIRAN KA NA NAMIN!" agad namang naagaw ang atensyon namin sa pamilyar na boses na iyon kasabay no'n ay napalibutan na kamig tatlo ng mga S.W.A.T. at ng mga sundalo.

"K-Kuya?" agad kong nasambit. Ilang linggo ko narin s'yang 'di nakikita. Nararamdaman ko ngayon ang galak at pangungulila sa aking kuya. Ngunit... nakakaramdam rin ako ng tila, sobrang pag-aalala at may parte ng isip ko na dapat hindi sila dumating dito.

"Sky, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni kuya at sinagot ko naman s'ya ng tango. Matalim na tingin naman ang ipinukol n'ya kay Dark. Kusa n'yang binitawan ang kanyang rifle at kinuha n'ya ang pistol sa kanyang tagiliran at dahan-dahang itinutok kay Dark. "Napapaligiran ka na namin, Commander Alpha. Kaya sumuko ka na."

"Ibang klase," napatingin agad ako kay Dark. "Gano'n na ba ako kailap para sa inyo, Alpha Team para magdala pa kayo ng S.W.A.T.?" pagak s'yang natawa. "Aaminin ko, ang galing n'yo dahil natunton n'yo ako rito."

"Ayokong dumanak ng dugo rito kaya tinataasan ko ang pasensya ko. At kahit ano'ng gawin mo, hindi ka na rin makakatakas sa lagay na ito. Kaya, Commander Alpha, pakawalan mo na ang bihag at sumuko ka na," mahinahon ngunit malamig na turan ni kuya sa kanya.

"Sa tingin mo ba, nasindak ako sa banta mo?" kalmadong tugon ni Dark dahilan para kumunot ang noo ni kuya. Sa sandaling iyon ay bigla nalang n'yang itinutok ang kanyang baril kay kuya habang si kuya naman ay may balak nang kalabitin ang kanyang baril.

"KUYA 'WAG!" sigaw ko ngunit saglit akong natigilan dahil sa isang putok ng baril. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yon.

"Baterna!" sigaw ni Hugh sabay tingin sa kanyang mga kasamahan. Mukhang sa S.W.A.T. galing ang putok ng baril. Nasa kalagitnaan ako ng pagkagulat nung napansin kong lumuwang ang pagkakahawak ni Dark sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya at bumungad sa'kin ang duguan n'yang damit. Bago paman makagalaw ang lahat ay hinagis na ni Dark ang isang tear gas dahilan para 'di nila kami makita. Agad akong niyakap ni Dark at walang atubiling tumalon sa bangin at bumagsak kami sa malamig na ilog.

When the Sky turns DarkWhere stories live. Discover now