Ika-Labinwalong Kabanata

851 34 22
                                    

IKA-LABINWALONG KABANATA

- SKY ALICIA ASUNCION -

Napasinghap ako kasabay ng pagdilat ng aking mga mata nung magising ako sa isang masamang panaginip. Nakatingin lang ako sa putting kisame at bumalik uli ang alaalang napanaginipan ko.

Napagtanto kong... hindi pala panaginip iyon.

Sumikip na lamang bigla ang dibdib ko kasabay ng aking buntong-hininga. Kamusta na kaya sina kuya Ace? Panigurado hinahanap parin n'ya ako hanggang ngayon.

Bahagya kong pinikit ang aking mga mata kasabay ng tagilid ko ng higa. Nagmulat ako ng mga mata at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Dark. Kahit may konting galos ito sa mukha buhat ng kanyang laban sa mga sindikato ay gwapo pa rin ito. Napangiti na lamang ako. Sino bang mag-aakalang magmamahal ako ng rebeldeng tulad n'ya.

Ipinangako ko noon sa sarili ko na hindi ako magmamahal ng kriminal o rebelde dahil masasama sila. Pero... mukhang tumalab sa akin ang kasabihang kung sino pa ang iyong kinamumuhian ay s'ya pang mamahalin mo.

Umangat ang aking kamay at walang ingay kong hinawakan ang kanyang buhok pababa sa kanyang pisngi. Wala sa sarili akong napangiti.

"Matutunaw ako sa titig mo," sabi n'ya kasabay ng pagsilay ng kanyang ngiti at pagdilat ng kanyang mga mata.

"Magandang umaga," mangiti-ngiti kong bati sa kanya.

Ngumiti s'ya sabay halik sa aking noo. Pinalibot n'ya ang kanyang braso sa aking bewang. "Mas maganda ka pa sa umaga."

"Bolero," sabi ko. Tumawa naman s'ya ng mahina.

Agad namang nawala ang tawa n'ya at tinitigan ako. "Okay ka lang ba? Masama bang pakiramdam mo?"

Tumango naman ako. "Okay lang ako. Nawala na rin 'yung epekto ng ecstasy'ng pinainom nila sa'kin at 'yung itinurok nilang droga sa akin."

Bahagya naman n'yang hinawakan ang braso ko at sinuri iyon. May mga bakas parin kasi iyon ng tinurok sa akin na droga nung mga sindikatong nagpasimuno ng human o women auction. Lumipat ang tingin n'ya sa akin. Lumamlam ang kanyang mga mata at dahan-dahan akong niyakap. "Hindi ka ba natatakot?"

"Natatakot saan?"

"Simula nung nakilala mo ako, lagi ka nalang napapahamak. Lalo na nung kinidnap ka at muntik ka nang ma-benta. Hindi ka ba natatakot na kapag kasama mo ako, lagi ka nalang nalalagay sa peligro? Kasi ako... natatakot ako kapag may mangyayari na namang masama sa'yo."

Ngumiti ako at umiling. "Hindi. Hindi ako natatakot. Pinili kong makasama at mahalin ka. Kaya handa ako lumaban... maging matatag... at maging matapang sa piling mo."

Tumingin naman s'ya sa akin at ngumiti. "Ang tapang naman ng aking mahal."

Ngumiti naman ako nang malapad sa kanya. "Kaya mo ako minahal?"

Mahina naman s'yang natawa. "Oo," kasabay ng sagot na iyon ay lumapat ang kanyang mga labi sa akin.

Mahina akong natawa. "Tirik na tirik na ang araw. Bumangon na tayo."

Tumihaya s'ya kasabay ng pag-upo ko sa higaan. "Okay na ba ang sugat mo?"

"Hmm..." bahagya naman n'yang hinipo ang sugat n'ya sa tagiliran. "Oo. Medyo okay na s'ya. Ang galing kasi ng nurse ko eh," napahagikhik naman ako nung kumindat s'ya sa akin.

Pareho naman kaming napatingin sa pintuan nung bumukas iyon at niluwa niyon si Ho. "Magandang umaga. Pasensya na 'di ako kumatok. Importante kasi ang sasabihin ko."

"Okay lang 'yun, Ho," nakangiti kong saad. "Magandang umaga din."

Bahagya namang ngumiti si Ho at lumipat ang tingin n'ya kay Dark. "Dark, may ibabalita ako sa'yo."

When the Sky turns DarkTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang