Chapter Nine

106 4 1
                                    

Pagbalik nila sa hospital ay may bitbit na siyang paperbag.

"Thanks for the coffee, Doc Mike!" Hinatid pa siya nito sa tapat ng pinto ni Kristian.

"No prob, it's too bad we have to go back immediately. My beeper kept on distracting."

"That's fine, Doc. I know you're always in demand." Biro niya pa rito.

"Okay, I have to go back and check on my patients, see you around, Mel." Sabay ngiti nito at umalis.

"Where were you?" Tanong agad ni Kristian pagpasok niya sa kwarto.

"Ah, bumili lang ng coffee."

"Binili mo, o nagpalibre ka?"  magkasalubong ang kilay na sabi nito.

Nagtaka si Melody sa inasta ni Kristian
Masungit nanaman ito.

"Ano... Naglibre si Doc Mike."

"Naka duty tapos nagliligawan."
Singhal nito.

"Hindi kami nagliligawan! Nagyaya lang siya na magkape, kaya pumayag ako."

"Hindi pa ba halatang panliligaw yon?"

Ano nanaman bang problema nito? Dinaig pa ko pag nagmemens!

Nagbuntong hininga siya at sumagot. "Hindi nga niya ako nililigawan, mabait lang talaga siya kaya nanlibre siya."

"Oh please." Halatang wala talaga ito sa mood. Bumalik sa pagiging grumpy.

Melody sighed and sat at the corner. Nagpaka busy na lang siya sa schedules na binubuo niya para sa kanila this week.

Hindi nakapagpigil si Kristian na singhalan si Melody. Pagkatapos ng maikling paguusap nila ni Angel ay narinig naman niyang may mga naguusap sa labas ng kwarto. Alam niya na si Melody at ang doctor niyang si Doc Mike iyon. Nagyaya ang huli na manlibre at di naman tumanggi si Melody.

Dahan dahan siyang tumagilid patalikod kay Melody na tiniis ang sakit ng injury sa pag galaw.

Hindi parin nagiimikan ang dalawa magmula kanina, kahit pa nasa iisang kwarto lang sila. Hinain ni Melody ang lunch nito kanina at umalis para bigyan ito ng space. Pero pagbalik niya ay di man lang nagalaw ang pagkain. Ni hindi man lang nagsindi ng TV o kinuha ang cellphone.
Basta naka talikod lang ito sa kanya.

Sobra naman kung maka inarte ito. Ano kayang napag usapan nila sa telepono at bakit highblood ito? Siguro girlfriend niya yung 'Angel' at nagka LQ sila. Hmp. Kasalanan mo to Angel!  Ako tuloy nasisinghalan!

Maya maya lang ay aalis na siya at kailangan niyang siguraduhing maging maayos ang lagay nito.

Linapitan niya si Kristian sa side kung saan naka harap ito. Pagtingin niya rito ay naka kunot ang noo at nagdidikit parin ang mga kilay at naka pikit ng mariin ang mga mata.

Galit ka parin?

"Sir, hindi niyo ginalaw lunch niyo kanina, kailangan niyo na po kumain, para mainom niyo gamot niyo."

Hinintay niya itong sumagot, pero wala siyang narinig na kung ano man dito. Ni hindi man lang nagbigay ng kahit anong pagbago ng reaksyon.

Hindi na pwede 'to. Kailangan ko siyang mapakain.

"Sir. " humawak na ito sa kanyang braso. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niyang mainit ito. Agad niyang kinapa ang noo nito. Nagaapoy na ito sa init.
Linalagnat na siya.

"Sir, gising po!" tinapik niya ang braso nito.
"Sir, gising na, linalagnat po kayo. Kailangan ko po kayong bigyan ng gamot, Sir!"

"Aah..." lalong nagdikit ang mga kilay nito, and his jaw tightened.
Liningon nito ang paa ng pasyente.

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now