Chapter Fourteen

98 3 1
                                    

"Hey babe, can you just reach for my clothes at your side please?"

Tumayo si Kristian at sinuot ang sariling pantalon at saka sinara ang zipper

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumayo si Kristian at sinuot ang sariling pantalon at saka sinara ang zipper. Hubad pa ang pang itaas nito at naka tapak na pumunta sa malapit na table para kunin ang damit ng babae, saka inabot ito rito.
"Thanks babe. Zip me up, please?" Linapitan niya ang likod ng babae at isinara ang zipper sa likod.

Maganda at sexy ito. May highlights ang blond hair, matangkad, makinis ang kutis. Naging kaklase niya sa isang subject noong college, at kapwa model niya rin ito. They were close since college that's why they're still together until now.

"Nice work with the shoot guys!" sabi ng director na kinamayan silang dalawa. "I'll be calling the both of you when we're finished with the editing.

Nagkaroon sila ng pictorial and video shoot para sa isang undergarment brand kaya naman medyo daring ang mga shoots nila. Mabuti na lang at sila ang magkasama sa shoot kaya naman hindi na sila nagka ilangan.

"Great working with you again, babe. Call me when you have more gigs for me ayt?" she walked backwards while talking to him.

"Sure will, Trace. You do the same for me, 'kay?"
"Yup, will do. Gotta run! I still have a party to attend to! Bye!"

Tumakbo na ito at iniwan si Kristian. Kinuha niya ang cellphone at nakita ang text ni Angel.

Angel:
Hey man! Wanna grab some drinks tonight? My treat!

Aba, madalang lang manlibre ito...

Kristian:
Alright. As long as it's your treat. Pick me up at the hotel in an hour. You're driving!

Angel:
Oh come on, man!

Tinawanan lang niya ang reply nito at ibinulsa ang phone.

Lumipas na ang tatlong taon mula nang gumaling siya. Naka graduate, nagtrabaho kagaya ng dati, modeling parin pero nagmamanage din siya sa isang hotel. Di niya inexpect na magiging katulad lang din siya ng mama niya. Nagtatrabaho sila sa hotel kung saan may kaunting shares na ang mama niya.
Pinapa punta siya ng mama niya sa hotel para maka pirma ito sa isang dokumento kaya naman kailangan niya pang pumunta sa hotel.

Pag dating niya sa office ng mama niya ay kumatok siya pero walang sumasagot. Pinihit niya ang door knob at bumukas ito.

"I'll just get it on my own then." sabi niya sa sarili.
Pag pasok niya sa opisina ng Mama niya, agad niyang hinanap ang mga papers na kailangan niyang pirmahan. Tinignan niya ang mga papers at folders na naka patong sa lamesa pero hindi ito ang hinahanap niya. Pag hila niya sa drawer ay hindi agad bumukas iyon. Wala namang kandado kaya hinila niya ng mas may pwersa. Bumukas ang drawer nang malakas niyang hinila ito at may napansin siyang nag slide papunta sa harapan.

Yung lumang cellphone niya. Akala niya nawala na ang cellphone na iyon kaya naman bumili na lang siya ng bago. Ang pinagtatakhan lang niya, ay bakit nasa mama niya ito?

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now