Reflection 14

7.6K 216 50
                                    

Reflection XIV



-Ryan-



             Hahabol  pa sana si Sofia sa pasarang pinto ng elevator ng makita na puno na ang loob. "SHIT!" tumakbo sya  papunta sa Fire Exit ng Hospital. Nalula sya sa dami ng hagdan. "Geez-Zuh!" inipit nya ang mahabang buhok into a ponytail at nagsimulang tumakbo paakyat.



             While running dini-al nya ang number ni Jade. Ilang ring lang may sumagot na agad. "Hello?"



           "Bakit sa dinami rami ng rooms sa hospital bakit sa 6th floor ka pa nagpa-confine?!"



            "Sofia? Is this a local number? Whoa! Oo nga, bakit nasa Pilipinas ka na? Hindi ba kasama ka ng Lacivious sa kanilang concert tour."



            "Nag aalala si Chad ng nalamang naka-confine ka." Habol na nya ang pag hinga. "Since hindi pa tapos ang tour at keysa ma-breach ang contract nag volunteer na ako na i-check ang kalagayan mo."



              Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. "Is he okay?"



             Nagpunas ako ng pawis. "Oo naman! ano bang klaseng tanong yan?!" hello, ako kaya ang nag aalaga sa gago. "Bakit kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag nya. He is your twin brother nag aalala sya saiyo." huminto sya sandali para makapag pahinga. "Bull fvcking sh!t! Bakit napakadami ng hagdanan?!"



              "Sofia!!!" Jade yelled her name.



                 Inilayo nya tuloy ang cellphone sa tenga. "Hey, bakit ka sumisigaw?"



               "Nagmumura ka kasi! Naririnig ka ng baby ko."



               Napatanga si Sofia. "Wow, si Jade ba talaga itong kausap ko? If I remember it correctly, sa atin nila Yika ikaw ang may pinagkalooban ng mabulaklak na dila."



                She laughed, "Noon iyon. Iba na ngayon."



               After a million year narating na rin nya ang 6th floor. "Finally, nandito na ko sa 6th floor, anong room?"



             "Room 4 left side, Daisy."



              Nakita agad ni Sofia ang Room kaya ibinaba na nya ang cellphone. Kumatok muna sya bago pinihit ang doorknob. "Hello! kumusta ang magiging soon to be Mom?"



               Nakasandal si Jade sa headboard ng kama. She's smiling broadly. Maputla ang mukha nito but she looks great kahit na halos lamunin na ito ng suot na hospital gown. "Piso, I miss you!" lumapit sya sa kama at niyakap ang kaibigan.



                "I miss you too Jade."



             Nasa gilid naman si Ryan at pinagbabalat si Jade ng mansanas. Umusad sya ng konti mula sa kinauupuan para bigyan ng espasyo ang dalawa.



               "Whoa! Ang laki na ng tiyan mo. Ilang buwan na ba ang pamangkin ko?" Hinawakan nito ang baby bump ni Jade.


Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon