In Her Eyes (A Side Story)

34.2K 495 87
                                    

In Her Eyes (A Side Story)

“Sa mata ng isang bata ang lahat ng sinasabi ng matatanda ay pawang kasinungalingan.. So Never Trust them!.”

-Klara Izobel Belikov-

                Iniwan namin ang malamig at nagyeyelong lugar ng Moscow, Russia kapalit ng mainit at mausok na syudad ng Manila. Hindi na ko nagtanong kay Mama kung bakit kami biglang nag alsa balutan at pumunta sa Pilipinas ayoko kasing magalit pa sya sa akin kapag kinulit ko sya at inusisa sa mga bagay na ang matatanda lamang ang nakakaalam.

                Nag check in lang kami sa isang three star hotel at doon nagpalipas ng magdamag. Hinubad ko ang suot na mabalahibong coat at sombrero at ipinatong sa sandalan ng isang monobloc chair. Si Mama naman parang tensyonado at palakad lakad sa maliit na sulok ng silid. Her long and shiny black hair bounces a little wherever she moves. Mama Yelena was a model’ and aktrisa in Russia. I admire her pale white skinny model like body.

                Ang hindi ko lang gusto ay ang matapang nyang pabango na nanunuot sa aking ilong at ang pagpunta punta ng iba’t ibang lalaki sa bahay namin sa Moscow. It was an adult business sabi nya. Madalas kapag may bisita si Mama automatically na pinagtatago nya ko sa loob ng closet o kaya naman sa itaas ng attic and pretend I never existed. Nag iingat ako na makagawa ng kahit anong ingay dahil tiyak na pagbubuhatan na naman nya ako ng kamay.

                Naupo ako sa monobloc chair at niyakap ng mahigpit ang aking white bunny na iniregalo sa akin ni Papa. Ilang segundo lang at tumunog ang cellphone ni Mama sa loob ng kanyang Chanel bag. Nagmamadali nya iyong sinagot at tinungo ang comfort room para siguro maging pribado ang pag uusap nila ng nasa kabilang linya.

                Iniugoy ko ang mga binti sa upuan habang nag hihintay. Hindi ako makaramdam ng antok dahil iba ang oras sa Russia compare sa Pilipinas. I took a deep breath and turn my head on the window. Madilim sa labas hindi katulad sa Russia na laging maliwanag. I miss the touch of cold snowy ice on my skin.

                “Nyet, I can’t take care of her! Alam mong busy ako sa trabaho.” Galit at pasigaw ang boses ni Mama na nanggagaling sa loob ng Comfort Room sa matatas na Russian Language.

                Bumaba ako mula sa kinauupuan at sumilip sa siwang ng cr. Mama was combing her hair irritably.  “Sinabi ko ng hindi ko nga sya pwedeng isama!. Alam ng mga katrabaho ko na wala akong anak.” Sandali syang napatigil para pakinggan ang nasa kabilang linya. “Anong sinasabi mo dyan na hindi sya tatanggapin ng Una mong pamilya?. Pwes gawan mo ng paraan!. Gagawa gawa ka ng kagaguhan tapos iiwan mo sa akin mag isa ang responsibilidad sa anak mo.”

                Mama was talking to Batja. She was talking to my Dad. At base sa pag sasagutan nila mula sa magkabilang linya alam kong ako ang topic ng pag aaway nila. Papa has a family here in the Philippines. He’s an old business tycoon na nagpunta sa Russia para sa isang business trip. He met Mama in Siberia and the rest is the story.

                Sa kabila ng mura kong edad na sampung taong gulang alam kong ginamit lang ni Mama Elena si Batja para makahuthot ng pera dito. At ako ang nakita nyang paraan para hindi maputol ang buwanang sustento nya mula rito.

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon