So I guess it’s ‘over’,
There’s nothing left to say…
Take the ring off my finger and just call it a day
-How can I remember to forget?
Reflection I
-Jade-
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng Condominium kung saan kami nakatira ni Ryan. Sa mga hindi pa po nakakaalam si Ryan ang live-in partner ko and when we say live partner ibig sabihin kulang na lang ng kasal in short pinalevel up na magkasintahan. Ha-Ha.
“I’m hoooommmme!” sabi ko in a very excited tone. Yey, finally naisip din umuwi ng lakwatserang si Jade.
Pero sinalubong lang ako ng nakabibinging katahimikan. Huh?, wala si Ryan?. Nakapatay kasi ang lahat ng ilaw. I scratched my head n alang, siguro pumasok sa School ang loko kaya wala pa hanggang ngayon ganoon naman yun eh minsan ginagabi na ng uwi. I look at my wristwatch, pero 7 na ng gabi wala pa din sya? Hindi naman ugali nun na umuwi ng late.
Hellerrr, Jade hindi ka naman kasi nagpasabi na uuwi ka ngayon eh. Malamang may ginawang Club Activities yun kaya na-late. Dapat pala nag text muna ako sa kanya at siguradong magmamadaling umuwi yun. Patay na patay kasi yun sa akin eh, hindi ko naman sya masisisi wala namang nakakaresist sa aking beauty!. *flip my hair* Naks..
Pero sige hayaan muna natin sya tutal naman I need the time to prepare everything. Yippeeee!. Kahit medyo nakokonsensya ako sa gagawin ko dahil sabi nga ni Sofia sa akin wag kong pangunahan si Ryan. But I can’t wait this loooong, mainipin akong tao. >__<
“Saka modern na kaya ang panahon ngayon. Hindi lang ang mga lalaki ang may karapatang mag propose diba girls?” kausap ko doon sa apat na singsing na binili ko sa jewelry shop. Sabay sabay na kumislap ang apat na iba’t ibang uri ng mamahaling bato sa akin bilang pagsang-ayon. See? See? I told you madami kami. Four rings + Me + my baby equals… Hmmm eh di errrr --- mahina ako sa math. Basta madami kami, isa lang si Sofia... Soooooo......... tuloy ang plano! Mwahahaha
Kinalabit ko yung switch sa dingding para lumiwanag ang paligid. Pinagkiskis ko ang mga palad. “Okay now where should I start?” Actually, yan din ang kanina ko pa iniisip. Tengene nemen Jade! Magaling ka lang sa plano pero kapag andyan na hindi mo na alam ang gagawin mo.
Eh kasi naman ayoko ng ganito, ayoko ng matrabaho!. Pero sige para sa honey bunch ko gagawin ko!... Ay naku Ryan ikaw na yata ang pinakamasuwerteng nilalang dahil nakilala mo ako. Aba, wala ka ng makikitang tulad ko kaya dapat lang na wag mo na akong pakawalan.
Nag-stretching muna ako sandali ng katawan. “Let’s do it!”
Inabot lang naman ako ng thirty minutes bago ko naset ang lahat mula sa table hanggang sa decoration. Oh diba! Bonggang bongga! Ang gagawin ko na lang ay ang sindihan ang mga scented candlelights sa table and voila. I’m done!.
Nakapameywang pa ako nyan ah habang tinitingnan ang paligid and I feel so satisfied. You are really the smartest and creative person Jade dela Cruz. Sabi sa inyo eh kapag nag-focus ako sa isang bagay walang imposible sa akin.
“Maam, okay na po ang lahat..”
Parang nasirang plaka tuloy ang moment ko ng lingunin ang mga staff na nagpakahirap i-set ang table at mga pagkain sa harapan. They even decorate the living room with flowers and candles to give it a romantic effect. Nemen oh! Inuuto ko pa yung mga readers ko eh. “Sir, salamat po sa tulong ito po ang tip nyo.” Nag abot ako sa kanila ng pera dahil talagang satisfied ako sa trabaho nila. Hindi lang yun sobrang bilis pa nila ah!.
“Thank you po Maam. i-remind ko lang po kayo na babalikan po namin ang mga gamit early in the morning.”
“okay sige. Babye.” Kumaway pa ako sa kanila hanggang makasakay sila sa Elevator.
Baliw ka talaga Jade! May pa-smartest and creative person ka pang nalalaman tapos ganoon tumawag ka din pala ng mga taong mag aayos para sayo.
Oh come on guys! Pagbigyan nyo na ang buntis. Hindi ako pwedeng mapagod! I repeat hindi ako pwedeng ma-stress at mapagod.
Tsh, ginagamit mo lang yata yang baby mo para may reason ka to pamper yourself. Para ka talagang bata. Nasaan ang effort doon aber?
I grin. Effort? Etoh ang effort. Kinuha ko ang lighter at sinindihan ang mga scented candles sa table. Tada! Effort ko yan ah!. Bwahahaha
At syempre hindi naman magsisimula ang main event kung wala ang guess of honor. I mean si Ryan na hanggang ngayon ay M-I-A pa rin. Gusto ko sana syang i-surprise eh pero katulad nga ng sabi ko ayoko ng pinaghihitay mainipin ako. Saka isa pa para matapos na itong kabang nararamdaman ko. I swear nikakabahan talaga ako kahit pakinggan nyo pa ang heartbeat ko, makabasag eardrums.
Woooooh, nakakatense din pala ang ganito. Now I know kung ano ang nafi-feel ng mga guy na nagpopropose sa mga babae. Isang malaking bow para sa inyo dahil nakaya nyo ang pressure!. Palakpakan natin sila! Yey!.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag at idi-nial ang number ni Ryan. Naupo ako sa couch habang hinihimas ang tummy ko. Mukhang excited din si Baby eh kahit dalawang buwan pa lang sya na-fifeel ko na gusto din nyang marinig ang boses ng Daddy nya. “ang tagal sumagot ni Daddy Ryan mo.”
After ng ilang ring at last may sumagot din sa phone nya. “Hello?”
Napatuwid tuloy ako ng upo at biglang naging alerto. Totoo ba itong naririnig ko?. Bakit parang? Tiningnan ko yung phone ko kung tama ba ang number na na-dial ko. I can not be wrong, number nga ni Ryan iyon. So why would a girl answered his phone?.