Part 18: Caillie, suprise!
(Colorado)
Lunes na ulit at tamang-tama dahil may pumasok na namang mga agents from the networking companies like FrontRow and UNO. Magpapalagay na naman sila ng ads. Kailangan kong itawag ito kay Miss Loida immediately.
“Hello, Ms. Loida.”
“Yes sir.”
“Have you checked the e-mails from FrontRow and UNO?”
“Opo. They will place adverts sa mag, as their marketing consultant told us on an email.”
“Can you send the carbon copy to me?”
“Sige po! Wait for a sec.”
At nag-appear na nga sa laptop ko ang email galing kay Miss Loida. Nabasa ko na lang ang conditions na hinihingi nila. Hindi naman pala mabigat ang gusto nila sa ads. They just need the advertisement to be eye-capturing or enticing to the readers and other audience. Ang simple man siguro kung titingnan ang hinihingi nila, mahirap pa rin kung gagawin.
“So, Miss Loida, we will have a meeting on 10 am sharp.”
“Mamaya na po ba?”
“Oo! Kailangang maging maganda ang ads at contents ng magazine natin. Ayaw ko nang maulit ang paglagpak na nangyari last time.”
“I'll call them sir. Ano pa ba ang mga activities para mamaya?”
“Wala na. Meeting. 10 am sharp. That's all.”
And I dropped the call. Sumakay na ako sa car at nagmadali na akong umalis para naman makarating na agad ako sa Burgundy Tower.
Bigla na lang may tumawag sa akin. Si Caillie lang pala. Sinagot ko naman. Ni-loud speaker ko para naririnig ko ang boses niya from a distance.
“Hello, gwapo! Good morning!”
“Good morning din, gwapo!” sinubukan kong magbiro muna ngayon.
“Gwapo? Hoy! Maganda ako! Kakainis 'to!”
“Joke lang! O, sige na. Good morning, ganda!”
“Nasaan ka na nga pala ngayon?”
“Nandito pa lang ako sa Ayala. Ang traffic kasi.”
“Gano'n ba? Mag-ingat ka sa biyahe, huh?”
Panay pa rin ako sa paglingat sa nadadaanan ko.
“Ikaw rin, nasaan ka na ngayon?”
“Nakasakay ako sa bus ngayon papuntang Buendia. By the way, kasama ko nga pala si Xerxes! I want you to meet each other mamaya.”
Nang marinig ko ang pangalan na 'yon, tila nanghina ako. Kasama niya na na naman ang lalaking 'yun? Ano ba'ng mayro'n sa lalaking 'yun at lagi siyang sumasabay sa mahal ko?
Pinatay ko na lang ang cellphone ko. Nakakainis naman talaga. Nag-ring na lang at siya ulit ang tumatawag. Ayaw kong sagutin sa sobrang inis. Bakit naman kasi kailangang ganito pa ang mangyari sa umagang ito? Nakakangalit tuloy.
Nagpatuloy na lang ako sa pagda-drive at nagiging matalim na ang titig ko sa bawat matitingnan ko. An labo din naman kasi ni Caillie. Malaya naman sana siya. Pero, aminado talaga akong nagseselos ako sa lalake na 'yun dahil ilang beses na kasi silang nagsasabay ng lalaking 'yun. Nandoon na tayo sa magkaibigan lang sila. Pero hindi ko maiwasang mag-isip na baka ma-develop ang dalawa sa isa't-isa.
Nagri-ring pa rin ang cellphone pero ayaw ko pa ring sagutin dahil siya pa rin talaga ang tumatawag. Nakakawalang-gana tuloy. Pero kailangang magkaroon ako ng gana dahil nagpatawag ako ng meeting.
BINABASA MO ANG
My Renewed Love
General FictionMy Renewed Love. GAY/BOYXBOY/YAOI. NO SOFTCOPIES AND HAS NO SEQUEL. All Rights Reserved 2013 Disclaimer: Any parts of this story is fictional. Any resemblance of names, situations, events and places are purely coincidental.