Part 34: He turned the lights out.

2.6K 69 6
                                    

Part 34: He turned the lights out. 

Caillie (POV)

Nakakapang-init na talaga ng dugo ang Herbert na 'yon. Malaman-laman ko lang na mayaman pala ang pamilya nila dito sa Italya. Nakakahiya tuloy. Pero ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit siya humiwalay sa pamilya niya.

Magkasama kaming dalawa ngayon dito sa hapag na kumakain ng almusal. Balot na balot pa rin kami ng katahimikan. Gusto ko na kasing magsalita at mag-open lang sa kanya. Sa totoo lang, nahihiya ako sa kanya dahil pinatira niya kami ni Drei dito sa apartment niya tapos nakukuha ko pang magtaray sa kanya.

“Alam mo, nakakunot na naman ang noo mo. Kaya ka mukhang manang e.” Bigla niyang sinabi sa 'kin. Nakakainis lang. Akala mo naman siya sobrang gwapo. Hindi naman.

Hindi na lang ako nagsalita. I held back the words that I want to say to him.

“At saka 'yung hindi ka nagsasalita d'yan, nakakabaho 'yan ng hininga. Siguro kasing-amoy na ng kubeta 'yang bunganga mo.”

Hindi ko na lang napigilan ang sarili ko. “Enough. You see, ayaw ko ng maingay. I'm eating.”

“I know. Pero hindi ba tayo pwedeng mag-usap?,” He nonchalantly said. 

“Kapag ikaw, hindi kita type kausap e. Pasensya a. Pero sumasama timpla ko sa'yo.” At pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Hindi ka naman babae, pero talo mo pa ang nagpi-PMS d'yan.” Sa totoo lang, pang-asar siya.

“Wala kang pake! Pang-asar 'to!” Tinarayan ko pa rin talaga siya.

“Kung sa bagay, sanay na rin naman akong kasama kita. OK lang 'yan. Nakakatawa lang dahil ang pangit ng kasama ko dito. Ine-expect ko pa namang maganda 'yong kasama ko ngayon habang kumakain pero puro wrinkles na pala siya.” He sighed, at nagsalita pa talaga, “Siguro single ka pa rin hanggang ngayon.”

Bigla na lang akong natahimik. Napabuntong-hininga na lang ako.

“You see, wala akong panahon para sa sarcasm mo. I'm sorry kung ganito ako, huh. I'm sorry.”

Tumayo na lang ako at dumiretso sa sa banyo para maligo. Habang nasa banyo ay panay pa rin ang pag-iisip ko ng mga ways para hindi ko siya nakakasabay sa umaga.

Hanggang sa natapos na lang ako maligo.

Nakita ko na lang na nakaupo siya sa sofa at nanonood lang ng TV. Mamaya pa yata siya pupunta sa coffee shop nila ni Kuya Drei. Tulog pa kasi siya. Ako naman ay naghahanda na lang para makapasok na ako sa trabaho.

I sighed in relief nang makabihis na ako at aktong lalabas na ako sa pinto nang biglang may sinabi sa 'kin si Herbert. “Hoy panget, ingat sa daan. At saka, wag kang sisimangot, lalong lalala ang kapangitan mo.”

Napatigil na lang ako. I have thrown a dagger and an 'I-don't-care' look afterwards. Lumabas na lang ako sa apartment at naglalakad na ako papunta sa train station.

Habang nasa train, bigla na lang ako nalungkot. Naiisip ko pa rin si Colo sa mga oras na ito. Ang hirap pala ng ganito. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Kaya siguro mainit lagi ang ulo ko. Wala naman kasing nagke-care sa 'kin dito. Kailangan ko na lang sigurong kalimutan ang lahat, pati na si Colo. Gusto ko nang bumitaw sa pangakong iniwan ko.

I'm now facing all of the consequences of my actions before. Pero bakit gano'n? Ako na nga itong nasaktan, ako pa ang kailangang magdusa? Kaya kung minsan, ayaw ko nang maniwalang may pagmamahal pa na darating para sa 'kin.

Nakakasama lang ng loob ang ganito. Kahit ayaw kong sumuko, gusto ko na lang bitawan dahil hindi ako makakalakad pa ng isang hakbang kapag hindi ko pa bibitiwan ang pagmamahal ko para kay Colo. Kaya rin siguro ako napadpad dito sa Italy para malaman na mas mabuting maging single na lang ako.

My Renewed LoveWhere stories live. Discover now