Part 39: Siya na nga talaga. My Joaquin.

2.2K 59 5
                                    

Part 39: Nang makita ko siya, sumaya na lang akong bigla.

Caillie (POV)

As I read some letters on my emails, something caught my attention. Letter from my special someone when I was in college. It's Joaquin's letter. Binasa ko muna ang letter bago ang kay Colo. Alam ko namang promises of love na naman kasi ang laman no'n. So I started reading na.

Dearest Caillie,

Good day Caillie! Kumusta ka naman ngayon? Mabuti naman ba? Kung oo, gano'n din naman ako.

I just want to say na pwede ka bang pumunta dito sa America for a month? Kung kailan ka lang naman available. Kung kailan maaari kitang makita ulit. Kahit sana sa June man lang, makita kitang muli. 'Yung tayong dalawa lang ulit ang magkasama sa bawat trip natin sa ibang lugar. By the way, igagala kita dito sa buong California. Ipapakita ko sa'yo kung ano ang ganda na meron ang lugar na ito.

Sa ngayon, may nilalabanan akong sakit, pero natalo na ako. Terminal case na rin. At ilang buwan na lang din ang itatagal ko sa mundong ito. At ikaw lang ang nais kong makita hanggang sa malagutan na ako ng hininga, at saka ang taong maglilibing sa 'kin. Nais kong isa ka sa gagawa no'n para sa 'kin.

Gusto muli kitang mayakap at mahagkan. Gusto kong bawiin sa kahit isang saglit lang ang lahat ng sakit na idinulot ko sa'yo.

I hope na makarating ka dito sa June. Ako na lang ang magbabayad ng Visa mo para tapos ang problema mo.

Mahal na mahal pa rin kita, Caillie.

Yours forever,

Joaquin

Naiyak na lang akong bigla. Ayaw ko namang isiping nagbibiro siya. Alam kong hindi marunong magbiro si Joaquin.

Bigla ko na lang tuloy naalala ang lahat sa 'ming dalawa noon. Noo'ng nililigawan niya pa lang ako noong college pa kaming dalawa.

Those were the days na kaibigan namin siya ni Kyoshiro.

We were texting all the while. Chatting kapag may time. At lumalabas din kami na kaming dalawa lang. We always talk about something, lalo na kung papa'no pa naming mapapalago ang friendship naming dalawa.

Hanggang sa dumating ang punto na tumabi na lang siya sa 'kin noon at nagtanong.

“Caillie, pwede ka bang ligawan?”

Nagulat na lang ako sa narinig ko no'ng mga oras na 'yon. I don't know what to answer. Hindi ko naman kasi ine-expect na ang isang katulad niya pa ang manliligaw sa 'kin. What I mean to say is gwapo siya at ma-appeal. Matalino. Mabuting tao. At saka, bisexual din siya. And I know it. May girlfriend pa siya that time.

“Nagbibiro ka lang, ano?” Tanong ko pa sa kanya noon.

“Sa tingin mo ba, nagbibiro ako? Hindi. I know I'm gay and I've fallen for you.”

“Let me think of that first. Ang bilis lang ng mga pangyayari. At saka, may girlfriend ka, 'di ba?”

“Oo. Pero break na kami three weeks ago.”

“May three-month rule. Sundin mo muna 'yon.”

“Hindi ko na susundin 'yon, lalo na ngayong malaya na akong mahalin ka.”

“You must be kidding again, huh?”

“No, I'm not. Papatunayan ko sa'yo na mahal na mahal kita.”

Hanggang sa lumipas ang mga araw. Hindi ako nawawalan ng isang rose kada araw sa arm desk ko. Nakakahiya na nga sa mga kaklase namin that time. Ang dyahe kaya sa side ko.

My Renewed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon