Part 31: Bakit? Bakit ngayon lang?
Colorado (POV)
Iba na ang nagiging atmosphere dito sa unit namin ni Caillie. It's getting better and better each day. Unti-unti niya na ring naaayos ang misunderstandings niya between his parents. Pero sa tingin ko, may aayusin pa siyang isang bagay, which is magulang niya ba talaga sina Mr and Mrs Sanders?
Since Saturday naman ngayon, binalak naming pumunta sa parents niya. Bibisita daw kaming dalawa. Nakangiti pa si Caillie while singing his favorite song. Ako naman, masaya lang ang pakiramdam dahil malayo-layo na rin pala ang naabot ng relasyon naming dalawa at marami pa ang kumontra.
“Colo, excited na ako ulit na makita sina mama at papa.”
“Hindi nga halata e. Parang kulang na lang pagmadaliin mo ako sa pagpapatakbo nitong kotse.” Tapos tumawa lang ako.
“I was about to say that. Pero wag na lang. Ayaw ko pang mamatay at isipin ng iba na reckless driver ka.” At tumawa lang din siya.
Sino ba ang makakapagsabing hindi namin mahal ang isa't-isa?
I remember last night nang ma-invite ako sa isang cooking and lifestyle show sa GMA. Sa show ni Miss Regine Velasquez. It was quite the best since kilalang figure nga siya na supporter ng mga LGBT people dito sa Pilipinas.
“So Colorado, ano'ng feeling mo no'ng una kang nag-'come out' sa public?” 'Yan talaga ang hindi namamatay na tanong kapag bading ka. Pero nakakatuwang sagutin nang paulit-ulit.
“It was fearful at first. Pero as time goes by, wala na akong naging problema.”
“Sa totoo lang, I salute you for doing that. Everyone didn't expect you to be so gay and fabulous. Well, that's life.” At nagluluto nga kami that time ng adobo na niluto ko para kay Caillie.
“By the way, itong niluluto ko Miss Reg ang niluto ko para sa boyfriend ko when we were in Tagaytay.”
Everybody was surprised when I said that.
“Pero tanong ko lang, may umaakto bang parang lalake or babae sa relasyon ninyo?”
“Wala. Not at all. Pareho talaga kaming bading. Siguro it differs lang sa pagpapakita ng love.”
“How do you show your feelings to your boyfriend?”
“Kasi ako siguro 'yong passionate sa 'ming dalawa. Siya naman ang affectionate. Sa totoo lang, ang dami naming pagkakaiba kaya siguro kami bumagay sa isa't-isa.”
“Ano-ano naman ang mga pagkakaiba na 'yon?”
“I think 'yung pagiging kalmado niya ang pinagkaiba niya sa 'kin. Madali kasi akong mairita sa isang bagay na hindi ko gusto. Pero siya, hindi. Kahit na ayaw niya sa isang bagay, pinipilit niyang intindihin 'yon. Kaya nga daw kahit na hindi niya ako gusto dati, pinilit niya daw akong maintindihan para magustuhan niya rin daw ako. That's my boyfriend.”
BINABASA MO ANG
My Renewed Love
General FictionMy Renewed Love. GAY/BOYXBOY/YAOI. NO SOFTCOPIES AND HAS NO SEQUEL. All Rights Reserved 2013 Disclaimer: Any parts of this story is fictional. Any resemblance of names, situations, events and places are purely coincidental.