Prolouge

11K 134 5
                                    

VOTE AND COMMENT PO SANA KAYO. TNX PO. :D

PROLOUGE

Paglabas ni Sky sa kanilang bahay ay nakita niya nang nakaparada ang kanyang sasakyan, ang dream car na matagal na niyang inaasam. Sa wakas ay masasakyan na rin niya ito. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya makapaniwala na pagmamay-ari na niya ito. Akala niya hanggang pangarap na lang na mahawakan man lang niya ang sasakyang lahat na ata ng anggulo ay may larawan siyang nakapaskil sa dingding ng kwarto niya.

Akmang hahaplusin na niya ito nang makarinig siya ng pagtawag sa pangalan niya.

Sky!

Sky! Huy gising na Sky!...” 

 

“Huh? Sino yun?” nasambit niya habang lumingon-lingon.

 

Samantala, kanina pa pala ginigising ni Cloud ang tulog mantikang kaibigan. Kung hindi pa kasi niya ito gigisingin ay hapon na ito babangon lalo na at puyat ito kagabi. Meron pa naman silang sasalihang malaking contest ngayon at kailangan pa nilang maghanda. “Sky! Huy gising na Sky… 

Hhhrrrmmm…” 

 

Nang hindi pa rin ito dumidilat ay niyugyog na niya ito. “Huy Sky ano ba? Gising na sabi eh.” 

Patuloy lang siya sa pagyugyog kaya makalipas ang ilang minuto ay dumilat na rin ito saka bumangon. Pero blangko ang mga mata nitong nakatingin lang sa kawalan.

Hay salamat.” Nakahinga si Cloud ng maluwag dahil akala niya ay mahaba-habang gisingan pa ang mangyayari. Nilabas niya ang isang tila pabango at ini-spray sa harap nito na nagpabahing at tuluyang nagpagising dito.

Nakapikit pa rin si Sky habang kinukusot ang mga mata. “Ano ba yan Tay M ang aga aga pa eh, Sabado ngayon at wala naman kaming pasok. 

 

Napataas ng kilay ni Cloud sa narinig. Nananaginip pa ata ang kaibigan at pinagkamalan siyang tatay nito. “Anong Tay M? Si Cloud ‘to. 

 

Biglang napamulat ng mata si Sky sa sinabi ng gumising sakanya at tumambad sa harap ang mukha ng bestfriend. Nakakunot ang noo nito at nakatunghay ang singkit na mga mata sakanya. “Ah ikaw pala yan, akala ko si Tay M na naman.

Napabuntong-hininga si Cloud saka umupo sa kama ni Sky nang nakaharap dito. Nabahiran ng lungkot ang maputi at makinis niyang mukha tanda ng pakikisimpatya dito. “Nami-miss mo pa rin ba siya? Sabi ko naman sayo dun ka na lang sa bahay namin tumira eh.

Kita niya ang bahagyang pagkagulat ng kaibigan sa sinabi niya. “Huh? Ano ka ba. Syempre nami-miss ko pa rin siya. Pero hindi ko iiwan ‘tong bahay namin, kaya ko naman tumira mag-isa dito eh. Tsaka lagi naman kayong pumupunta dito kaya di ako masyadong nalulungkot.”Nagkakamot sa ulong tugon nito.

Sky Paradox: Battle of GangstersWhere stories live. Discover now