Chapter 13: The Warning

6.1K 132 37
                                    

A/N: Here's the update readers!

Wala muna appearance si Sky dito. Nagrequest kasi siya ng day-off eh. Lagi na lang daw siya ang may shooting. Samantalang si Red eh bihira daw lumabas at puro pagtulog lang ginagawa. Napaka-choosy pa eh kung tanggalin ko kaya siya sa cast para makapagpahinga na siya habang buhay.

(Sky: Oi Ms. Author wag naman. Walang ganyanan. Mawawalan ka ng pinaka-cool na character. Mababawasan mga readers mo kapag tinanggal mo ako, sige ka.)

(Author: At ako pa tinakot mo? Madami pa akong character na may potential no?)

(Sky: Waahh... sorry na. Hindi na mauulit. Next time kahit wala na akong day-off. Kahit ano ipagawa mo sakin, gagawin ko.)

(Author: Hmm... Okay sabi mo yan ah. Witness ko ang mga readers na nagbabasa ng Author's Note.)

(Sky: Oo. Peksman, mamatay ka man este mamatay man si Juan. Hehehe... Labyu Ms. Author. Babush)

(Author: Ayy talaga naman. Kung hindi ka lang cute eh. Tsk. Babush.)

Ayy anyare naman at sumisingit sa monolouge ko si Sky. Tsk... Pasaway na bata.

O anyway hi-way, gaya ng sabi ko ay wala si Sky dito. So sa mga fans niya eh di ko alam kung maeenjoy niyo to pero sana basahin niyo pa rin. ^_^

Warning: Maraming bad words ngayon pero hindi naman gaanong malala. Hanggang ganyan lang kasi ang kaya kong isulat na bad words since hindi ako nagsasalita ng ganun (naks). Just imagine worse obscene words than those I've written para mas makatotohanan ang pagiging gangster nila. 

Okay, masyado ata akong madaldal ngayon. Oh well, magbasa na nga kayo. Enjoy! ^_^

VOTE and COMMENT guys!

CHAPTER 13 – The Warning

Ano?” Gulat na bulalas ni Blue na napatayo pa mula sa pagkakaupo. “Sino kayo? Anong ginawa niyo sakanya?

MGA GAGO KAYO! KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SAKANYA, MAPAPATAY KO KAYO! HELLO? HELLO? LECHE!” Sigaw niya sa mga kausap at galit na ibinato ang cellphone sa sofa.

Anong nangyari?” Seryosong tanong ni Red.

S-si Hanna… K-kinuha ng Skull Rider Gang.” Namumutlang sagot niya.

Ha? Eh ano pang hinihintay natin? Puntahan na natin.” Aya ni Grey na lumapit kanina nang marinig ang pagsigaw niya.

Nagmamadali nga silang umalis doon at pinuntahan ang abandoned building na pinagdalhan kay Hanna. Pagdating nila dun ay nakita nila itong nakatali sa isang upuan at may busal ang bibig.

PAKAWALAN NIYO SIYA!” Sigaw agad ni Blue na tinangkang lapitan ang babae pero pinigilan siya ni Red.

Well, well, well. Kumusta naman ang mga duwag na scorpion?” Nakangising insulto ng lider ng Skull Rider Gang.

Sky Paradox: Battle of GangstersΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα