Chapter 18: Ang Pagbabalik

6.6K 148 25
                                    

CHAPTER 18 – Ang Pagbabalik

Bye Hanna. Wag ka na ulit mag-aabsent ah. Malulungkot kami ni bakla.” Paalam ni Jaimee dito pagdating nila sa parking area.

Ngumiti si Hanna. “Sige bye.” Pagkasakay nito sa sasakyan ni Blue ay umalis na din sila agad.

Nung mga nakaraang araw ba na hindi ko siya nakitang kasama niyo ay absent siya?” Tanong ni Sky kay Jaimee nang makalapit ito sakanila ni Rain.

Oo Sky. Kaya nga pinagtatyagaan na lang namin ni bakla ang isa’t isa eh. Haha…” Pabirong sagot nito.

Napangiti si Sky pero nagpatuloy pa rin ito sa pagtatanong. “Ganun ba? Bakit daw siya absent?

Hmm… basta sabi niya eh nakidnap daw siya kaya nagkatrauma siyang lumabas ng bahay nila.

Talaga? Buti walang nangyaring masama sakanya.

Oo nga eh. Okay naman na daw siya ngayon kaya nakapasok na din siya. Pero alam mo ba Sky? Parang may magandang naidulot yung pagkakidnap sakanya. Hindi ko naman sinasabing okay lang na nakidnap siya a kasi nakakatakot naman talaga yun. Pero kasi parang mas naging okay sila ni Blue pagkatapos nun. Lagi nga niyang sinusundo sa classroom si Hanna eh. Aaahhh… Kilig to the bones.” Dire-diretsong kwento nito na kinikilig pa.

Napatawa si Sky sa tinuran nito. “Haha… Mabuti naman pala kung ganun para hindi na sila laging nagbabangayan.

Tama. Naku sana ako ang maging maid of honor kapag kinasal na sila. Haha…” Ani Jaimee na nagde-day dream na ata.

Hinila ni Rain ang hibla ng buhok ni Jaimee. “Hoy umayos ka nga diyan, para kang kiti kiti eh.

Pinalis nito ang kamay niya at inirapan. “Heh! Inggit ka na n-

Grey!” Tawag ni Rain dito nang makita itong papunta sa sasakyan nito.

Lumingon ito sakanila at nakangiting lumapit. “O Rain, S-sky uwi na kayo?

Hay naku Abo. Hindi, hindi kami uuwi. Papasok pa lang kami. Tss.” Sarkastikong sabat ni Jaimee at nagroll-eyes pa.

Tinapik tuloy siya ni Rain at pinagalitan. “Oi di ikaw tinatanong a. Kami kaya ni Sky tinanong niya kaya huwag ka sumasabat diyan.

Apir tayo Rain.” Ani Grey at nag-high 5 nga ang dalawa pero inirapan lang sila ni Jaimee. “Pakialamera yang kambal mo eh.

Nagulat si Sky sa sinabi nito. “Huh? Alam mo nang kambal sila?

Sky Paradox: Battle of GangstersWhere stories live. Discover now