Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning

5.6K 126 29
                                    

A/N: hello again sa inyo. mushroom mode muna ako ngayon. pasulpot-sulpot lang. anyway eto na ang chapter 20. FYI po yung Lightning sa title ay si Light. Dapat Lightning talaga ipapangalan ni Sky pero pinaikli na lang niya into Light. hehe...

Vote and Comment po kayo. salamatzz

CHAPTER 20 – The Clash of Thunder and Lightning

Nawawala yung video eh paano yan?” Eto ang sabi kay Kuya Pogi ng nagbabantay sa control room ng CCTV sa bar na siyang pinuntahan nila kagabi.

Pinapunta siya dito ni Cloud nang kumalat sa school ng mga ito ang mga pictures ni Sky nung sinundo si Thunder.

Tinignan niya ng masama sa katabi. “Nawawala o ayaw niyo lang ibigay.

Agad na umiling ito. “Hindi boss nawawala talaga. Kinalkal ko na lahat ng mga files dito pati sa ibang computer pero wala.

Paanong nangyari yun e kagabi lang yung hinahanap kong video? Alangan namang burahin niyo agad yun.” Asar na tanong niya at ginulo ang buhok. Alam niya kung paano ang sistema sa mga CCTV kaya naman sigurado siyang meron pa silang copy nun.

Hindi ko rin alam boss. Wala naman akong natatandaang nagbura ako ng files kahapon at kanina.” Paliwanag ng technician sa humihinang boses. Kanina pa siya naiihi sa takot sa katabi. Napatumba kasi nito ang naglalakihang bouncer nila kanina nang magpumilit itong pumasok dito. Hindi naman nila ito maisuplong sa pulis dahil sa pananakot nito.

Anong gusto mong iparating?” Tumaas ang boses ni Kuya Pogi at pinanlisikan ng mata ang kawawang lalaki. “Kusa na lang yung nawala na parang bula? Ayusin mo nga pinagsasabi mo kung ayaw mong ikaw maglaho diyan.

Tinaas nito ang dalawang kamay na parehong nanginginig na. “B-boss naman wala namang ganyanan. Alam niyo namang takot ako sa inyo pero hindi ko talaga alam kung saan napunta yung video.

Tsk asar! Wala kang kuwenta.” Galit siyang napatayo kaya natumba ang upuan niya. Bahagya tuloy napatalon sa pagkakaupo ang katabi dahil sa gulat. “Yan na nga lang trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos. Sino ba manager dito at ipapasesante kita.

Nanlaki ang mata nito. “Wag naman boss. Ito lang hanapbuhay ko.” Anito sa nagmamakaawang tinig habang akmang hahawakan ang kamay niya pero hindi nito nagawa ng iniwas niya ito.

Pwes kung ayaw mong masesante eh ayusin mo trabaho mo. Kapag hindi mo nahanap yun malilintikan ka sa akin.” Galit na utos niya dito saka binalingan ang bartender na kanina pa walang imik sa likuran nila. “Ikaw naman. Wag kang mawawala bukas. Susunduin kita ng maaga. Akin na yung address mo.

Agad itong tumalima at binigay ang address. Hinanap naman ulit nung isa ang videong kailangan niya.

Sky Paradox: Battle of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon