Chapter 5

46 5 2
                                    

The Assassination Of The Heiress

Chapter 5

Zia Rae's POV

HINDI pa rin natitinag si Mygo sa pagkakatayo niya doon sa labasan. Masama pa rin ang pagkakatingin niya sa akin, lalong-lalo na kay Gavin dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nakakuyom ang mga palad niya at para bang mananapak. Sino sa aming dalawa ni Gavin ang gusto niyang sapakin? Sana ako na lang kasi nami-miss ko na rin makipag-basag bungo. Matagal-tagal na rin nong huli akong nakasapak ng lalaki. Puro kasi mahadera at intrimididang mga tsismosang kapitbahay ang nababangasan ko.

"Mygo. Kanina ka pa ba diyan?" Naglakas loob na akong magsalita kasi kung hindi ako magsasalita ay mapapanis lang ang paninda ko sa pagtayo namin dito. Hindi ako kikita sa mukha nilang dalawa, umayos sila.

Hindi pa rin siya nagsalita. Ano ba kasing problema ng lalaking 'to? Ako wala pa akong benta ha 'wag niya akong matingnan-tingnan ng ganyan baka madakma ko balls niya.

"Huy Mygo! Ano ba? Bakit ayaw mong magsalita? Kanina ka pa ba diyan kako?" Tanong ko ulit, kapag hindi pa rin siya sumagot dadakmain ko na talaga anes niya 'wag niya akong ginagalit.

"A-ah! Hindi naman. Kadarating ko lang." Sa wakas nagsalita na din siya. Ngumiti siya pero alam ko namang pilit lang ang ngiti niyang iyon. Nawala na 'yong hitsura niyang mukhang mananapak, mukhang mananaksak na lang. Chos. Hindi, pero alam kong pinapakalma niya lang ang sarili niya.

Hindi ko alam kung nakita niya 'yong paghalik sa akin ni Gavin dahil sabi niya kararating niya lang daw. Ewan ko sa kanya kung nagsasabi ba siya ng totoo, bahala siya sa buhay niya. Tsaka ano naman kung nakita niya akong hinalikan ni Gavin eh hindi ko naman siya boyfriend 'no. Kung nagseselos siya wala na akong magagawa, hindi ko naman kasi kasalanan kung pinanganak akong pretty at habulin ng mga boys.

"Oh nasadya ka pala dito Mygo, may kailangan ka ba? Tsaka wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko.

"Hindi mo muna ba ako papapasukin diyan sa bakuran niyo bago ko sagutin ang mga tanong mo?"

"Bakit, nandito ba sa bakuran namin ang mga sagot sa tanong ko? Hala, saan banda dito?" Tumingin-tingin ako sa damuhan. Wala naman akong nakitang sagot kundi tae lang ng pusa. "Ako ba Mygo pinagti-trip-an mo? Pero sige pumasok ka na nga para magkaharap-harap na tayo at masabi mo ang mga hinanakit mo kay Gavin dahil inagaw niya ako mula sa'yo."

Magkasabay na natawa ang dalawang tukmol dahil sa sinabi ko. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Parang mga shunga.

Lumapit ako sa gate namin na yari sa kahoy at binuksan iyon. "Halika pasok ka." Pero bago ko siya tuluyang papasukin ay medyo lumapit ako sa tenga niya at bumulong. "Pero dapat yung pagpasok mo ay pasugod. Sugurin mo si Gavin tapos sapakin mo sa mukha. Daganan mo sa tiyan tapos gulpihin mo ng matindi."

Nangunot ang noo niya. "Ha? Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Eh kasi nga nagseselos ka 'di ba? Dapat galit ka kasi inagaw niya ako mula sa'yo. Dapat magwala ka dahil nawalan ka ng dyosa sa buhay mo."

"Hahahaha!" Natawa lang si Mygo sa sinabi ko, ako naman napataas ang kilay.

"Tinatawa-tawa mo diyan? Tinuturuan ka na nga ng malupet na entrance ayaw mo pa. Hmp, sige 'di bale na nga, pumasok ka na lang." Tuluyan ko na siyang pinapasok sa loob ng bakuran namin. Tumigil kami sa kinaroroonan ni Gavin pagkatapos ay muli ko siyang hinarap.

"Oh nandito na tayo sa bakuran namin, sagutin mo na ang mga tanong ko kanina. Anong dahilan at napunta ka dito? 'Wag mong sabihing nami-miss mo na ako? Yieee. Pero sige okay lang kahit sabihin mo na, hindi ako magagalit."

The Assassination Of The HeiressHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin