Chapter 8

29 4 1
                                    

The Assassination Of The Heiress

Chapter 8

Hyacinth's POV

LUMAKAD ako papunta sa exit nitong fastfood chain upang salubungin 'yong dalawang ahas. Handa na akong manaksak ng mga oras na iyon. Bwisit 'tong Ashton na 'to. Totoo pala ang hinala ko na may nilalandi siyang iba kaya napakatagal niyang dumating. At alam niyo kung anong nakakaloka? Mukhang sugpo itong babaeng kinakalantari niya. Wait, babae nga ba ito? Mukhang bakla eh. Baklang sugpo ang ate niyo. Tapos ang kapal pa ng make-up niya. Kitang-kita ko 'yon kahit nahaharangan ng glass wall ang paningin ko. My gosh, hindi ko inakalang magagawang pumatol ni Ashton sa isang gaysha.

Pero hindi siya bakla ha? Mukhang bakla lang talaga. Hindi ko kinakaya mukha ng tita niyo.

Napahinto ako sa tapat ng glass door. Hinintay kong pumasok ang dalawang higad. Kuntodo nagsu-sway pa sa hangin ang mga kamay nilang magkakapit habang naglalakad. Pangiti-ngiti pa sila sa isa't-isa. Hindi ko lubos maisip na nagagawang ngumiti ni Ashton sa alupihang dagat na 'yan. Kanina sugpo ngayon naman alupihang dagat. Ang hard ko ba? Pero tingin ko mas hard ang mukha ni ate girl. Mabuto eh. God! I hate drugs.

Oo, malinaw na sa akin.

Na pinapunta ako ng bakulaw na Ashton na ito dito para ipamukha sa akin na ipinagpalit niya ako sa sugpo. Na hindi steak ang gusto niya kundi tempura. Na nakahanap na siya ng bagong lalandiin na alam ko namang paiiyakin niya rin sa bandang huli.

Sa totoo lang dapat hindi na ako nagulat na nagawa akong lokohin ng bwisit na Ashton na 'to eh. He's even richer than me, he can have a girlfriend on the exact day he decided he want to, he can dump it the next day and look for another one on that day also. Expected ko na iyon.

I knew him already even before our relationship became official. I knew his type. Siya 'yong tipo ng lalaki na hobby ang manakit ng damdamin ng babae. Ang problema, kahit alam ko 'yon ay tinaggap ko siya ng buong-buo. Expecting that he will change, or that I can change him for the better. Ang shunga ko. Gorgeous sana ako kaso medyo shunga ako. Sa Ashton na ito lang talaga ako naging bubu eh. Bwisit kang lalaki ka.

Ang pinaka ayaw ko pa namang pakiramdam sa lahat ay 'yong pinagmumukha akong tanga, at mas lalong umaarangkada ang pagkamaldita ko sa tuwing naipaparamdam iyon sa akin. This guy's trying my patience. Be ready with what I can do to the both of you, especially to you Ashton. You make me feel stupid, and so I'll make you feel how to live in hell.

Nang ilang hakbang nalang ang layo nila bago makapasok sa entrance ay tsaka ko napag-isip isip ang gagawin ko. Hindi tamang mag-eskandalo ako dito dahil lamang sa dalawang ulupong na 'to. Ayokong masira ang maganda kong image sa harap ng maraming tao dahil lang sa kanila. Hindi ko hahayaang mababiran ng dugo ang malinis kong mga kamay. I'm Hyacinth. I'm sweet.

Sweet yet deadly.

I can make my greatest revenge not even using my hands.

Mabilisan kong itinago sa likuran ko ang hawak kong kutsilyo bago pa man sila tuluyang makapasok.

"Oh Aya, saan ka pupunta? I'm so sorry natagalan kami." Bahagyang nagulat si Ashton nang makita akong papalabas na ng fastfood chain.

"Oh Ashton!" I showed him my sweetest smile. "Kung hindi pa obvious sa'yo na uuwi na ako, sasabihin ko na lang, yes, I'm going home." Consistent ang pagkakangiti ko sa kanya. Hindi ko pinapansin 'yong bruha na kasama niya. Tigilan niya akong gaga siya, wala akong panahon sa kanya.

Napamaang si Ashton dahil sa sinabi ko.

"Why? I'm here. Nandito na ako." Tinitigan ako nito. "Look, I'm sorry but---"

The Assassination Of The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon