11

766K 8.5K 1.5K
                                    

As promised, this chapter is dedicated to you ImMsBlue. :)

******************************************************

ZAK'S POV

"Umalish ka nga dita! Shi-shino ka ba? Ba – bakit kamukha mo yu-yung panget na goon na yun?" she threw up several times.

Nandito kami sa CR sa pub at inaalalayan sya dahil halos dito na sya matulog dahil nga suka sya ng suka.

"Wag mo nga kong hawakan! Manyak ka no?" halos half close na yung mata nya pero nakakapagtaray pa din.

"Sa susunod nga wag kang iinom kung di mo naman kaya! Kapag pinilit ka ng mga gunggong na yun wag mo na lang pansinin!" inaalalayan ko naman sya pabalik sa loob. Hinilamusan ko pa sya bago ihiga sa kama sa isa sa mga kwarto dito.

"Alam mo ba kamukha mo yung kaaway ko." Hinawakan nya ko sa mukha. Mabuti na lang lasing 'tong aswang na 'to. "Kaya lang mas gwapo ka shakanya. Panget yun eh." tapos tinap-tap nya pa yung pisngi ko. Papalapit na yung mukha nya sa mukha ko. Hindi ko alam yung gagawin. Baka manghalik na naman 'to. Sinabi ko na nga sa sarili ko na hindi na ko magpapahalik sa kanya eh.

"Pwede bang –  huwolk" akala ko manghahalik. Susukahan lang pala ko. Nakakapikon talaga. Kukutusan ko 'tong mga ungas na 'to bukas. Bakit kasi pinainom pa 'tong babaeng 'to.

"Hoy! Hoy aswang umayos ka nga!" mukhang nakatulog pa. Tsk. Sinukahan na nga ako paglilinisin pa ko.

3 HOURS EARLIER


Ilang araw akong nawala. Paano nakakainis yung mga nangyari nung nakaraan. Pero ayos lang kahit paano nakapagrelax ako lalo na't nanalo ako dun sa laban. Papunta ko sa pub ngayon, tinext lang ako ni Trav. Ilang araw din akong hindi nagpakita sa kanila pero alam naman nila kung anong ginawa ko.

Mukhang nandito na sila. Kumpleto na mga motor sa labas at nakakarinig na rin ako ng malakas na tugtog. Yung second floor kasi nitong gym yung mini bar para sa'min. Minsan nagpapaparty sila Val dyan at maraming pumupunta pero kadalasan kami-kami lang.

Magpapakita sana ako sa kanila ng makita ko yung aswang na kasama nila Tuck. Ano na naman kayang pumasok sa isip nya at isinama nya yung babaeng yun dito? Pumasok muna ko sa kwarto. Minsan kapag naiinis kasi ako sa'min dito ako natutulog. Ah hindi, halos dito na ko tumira.

"Sorry dude niyaya nila Tuck eh." Pumasok si Trav sa kwarto na may dalang beer.

"Wala yun. Hindi naman sa'kin 'tong pub kaya okay lang." Kinuha ko yung beer at ininom ko.

"Kamusta yung laban?" sumandal sya sa pader sa may pinto habang iniintay yung sagot ko.

"Dude, alam mo na ang sagot dyan." Nagcheers kami at inistraight yung beer.

"Ibang klase ka talaga dude. Tara dun sa labas, dapat icelebrate yan pagkapanalo mo." Pagbibiro ni Trav.

"Wag na. Dun na lang ako sa taas. Wala din naman ako sa mood. Wag mong sabihin sa kanila na nandito na ko. Baka masira pa yung mga kalokohan ng mga yun." Nagpalit ako ng tshirt at humiga sandali. Nagnod lang naman si Trav bago lumabas.

Naririnig ko silang nagtatawanan sa labas. Mukhang mga nageenjoy. ANo kayang pinapagawa nila kay aswang? Kalimitan kasi ng mga dinadala nila ditong babae naghuhubad habang nasayaw sa table. Tss, nakakatakot kapag naiisip kong si aswang ang gagawa nun. Malamang marami yung peklat. O kaya may malaking tahi sa bewang. Kapag nagta-transform sya sa pagiging aswang nahahati sya tapos tatahiin na lang ulit kapag umaga. Natatawa naman ako sa itsura nya. Aswang na aswang.

Napatayo ako ng biglang nagflash sa isip ko yung mukha nya. Kinilabutan ako. Lumabas na lang ako ng kwarto at umakyat taas ng mini bar. May mga beers din dito. Kita ko din sila mula sa baba. Pinapanood ko sila. Parang ang boring lang ng ginagawa nila. Tamang inom lang habang nagbabaraha tapos ano yun? May pinapaikot na bote? Tss, malamang naisip yun nung aswang. Masyadong korni.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon