28

715K 8.3K 1.2K
                                    

A/N

Oh my golly! Nareach na ang target kong 200K reads so heto na ang update. And the good news is #4 pa din tayo sa Teen fiction and #6 sa Humor. Yey! Next target ko is 1000 comments and 5000 votes so tutulungan nyo ko. Hahaha. Thank you sa mga comments. Binabasa ko yan lahat. Daming nagpapadedicate pero like what I've said sa comment ko na lang titingnan. :) So this chapter is dedicated to AngelicaEsteleydes. :) Pihaba ko na so sulitin. And another thing, hindi naman pwedeng palaging moments nilang dalawa lang. Kelangan lumabas ang tunay na flow ng story. :) so happy reading. Vote, comment, follow and like our fan page. Click the external link. ------> Thank you. <3 you all.

*megladiolus (Mela)

*********************************************

JEZHI’S POV

Kanina ko pa tinatanong ‘tong sila Val kung nasan ba si Alexa at kung anong nangyari sa kanya. Masyado na kasi akong nag-aalala. Kilala ko ang bestfriend ko, hindi sya naabsent ng walang dahilan. We’ve been friends for two years at kabisado ko na sya.

“May nangyari ba sa kanyang masama?” pinaghahampas ko si Val ng bottle ng distilled water ko.

“Wala nga bakit ba ang kulit mo?” alam kong medyo naiinis na din sya sa’kin pero ano namang magagawa ko di ba? Isa lang akong nag-aalalang kaibigan.

“Eh bakit hindi sya pumasok? Kasama nya ba si Zak?” I’m so freakin’ out.

“Safe naman si lady ghost kay Zak. Don’t worry.” Cool na cool na sabi ni Trav.

“So meaning magkasama nga sila? Bakit sila magkasama? Anong ginawa ni Zak sa kaibigan ko?” nahi-hysterical na talaga ko.

“Ang OA mo naman. Mali ka ata ng tanong. Hindi ba dapat ‘ANONG GINAGAWA NG KAIBIGAN MO SA KAIBIGAN NAMIN’!” konting-konti na lang talaga sasabog na ko sa Val na ‘to.

“Hoy ungas, kaibigan din natin si Lex.” Binato ni Tuck si Val ng takip ng energy drink na iniinom nya.

“I know my bestfriend, she hates boys kaya alam kong – alam kong may hindi normal na nangyayari dito at sasabihin nyo sa’kin kung ano yun!!” tiningnan ko sila isa-isa pero blank lang lahat ng reactions nila. Ang hirap mabasa. Hindi pa mandin ako magaling sa pagbabasa ng facial expression.

“At kilala din namin si Zak, he hates girls. So kung magkasama man sila wala na tayong dapat ipag-alala. Kahit parang aso’t pusa sila hindi naman yun magpapatayan.” Sabi ni Luke. Hindi ko na talaga sila maintindihan. Hindi ko alam kung kasabwat pa sila sa pagkakaabsent ni Alexa ngayon.

“Nasan ba kasi sya? Bakit nagpabili ka pa ng damit sa’kin!!” hinampas ko ulit si Val.

“Hindi naman para kay Alexa yun no!” epal ni Luke sa likuran namin. Nandito kami sa tambayan nila sa likod ng gym. Hindi sila makatagal sa cafeteria dahil pinagtitinginan na kami sa sobrang pangungulit sa kanila.

Tiningnan ko ng masama si Val at kumulo ang dugo ko. “Hindi para kay Alexa? Who the hell!! You two timer prick!!!!” Ang kapal ng mukhang utusan akong bumili ng damit ng babae nya!

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon