24

661K 8.8K 986
                                    

ALEXA’S POV

Nandito kami ngayon sa bahay nya. Hindi naman sya kalakihan compared sa bahay ko pero maayos naman sya yun nga lang parang walang nakatira. Masyadong tahimik dito, parang sya lang ang nakatira.

Sabi nya kukuha lang daw sya ng ilang gamit tapos sa pub na sya matutulog. Hindi ko pala natanong kung bakit sya nagtitiis sa pub eh mas masarap matulog sa sariling bahay.

Napansin kong may mga pictures na nakadisplay. Since wala pa naman sya tumayo ako at tiningnan ko isa-isa yung mga pictures. Kahit ang bilin nya sa’kin na wag na wag akong gagalaw hangga’t di sya nadating. Pwede ba naman yun? Siraulo talaga. Isa pa pinaglakad nya ko ng ganun kalayo tapos di man lang magoffer ng kahit ano. Kahit tubig man lang wala, wow ha.

May nakita kong picture ng isang batang lalaki. Ang haba ng buhok at nakaspiderman costume. Tinitigan ko yung picture at napatawa ako. Mukhang si goon ‘to nung bata sya. May pictures din dun na naiyak sya. Siguro iyakin sya nung bata sya. Binuksan ko yung cabinet at kinuha ko yung photo album tsaka ako bumalik sa sofa.

Binuksan ko yung album, una kong nakita ang isang family picture. Siguro parents nya yung dalawang adult at may kargang baby yung mommy nya, so meaning may kapatid sya? Mukhang 7 years old lang sya sa picture na ‘to. Habang tinitingnan ko yung pictures madaming changes, from bata until mag-aral na sya yung mga pictures. Ang payatot pala nya nung bata sya, parang kite na kapag nahipan ng hangin liliparin.

Para kong baliw, natawa ako mag-isa.

“Nandito pa yung iba.” Nagulat ako ng biglang may sumulpot na isa pang album sa harapan ko. Napatingin ako sa kung sinong may hawak, nakita ko ang isang lalaki. Mga nasa 40 na siguro. Parang haggard yung itsura nya. Malaki yung eyebags, kita na ang mga wrinkles, may mustache at beard din sya.

Inilapag nya sa table yung album at binuksan. “Mabait na bata yan si Zak. Tahimik lang talaga sya.”

Hindi ko alam kung sino ‘tong lalaki na ‘to pero wala naman akong karapatang magtanong dahil hindi ko naman bahay ‘to. Malay ko ba kung boy nila ‘to or butler. Ay, baka hindi din kasi hindi nga malaki yung bahay nila. I mean malaki naman pero di tulad ng bahay ko.

Dahil nahiya ako bigla isinara ko na yung album. Hindi ko na tinuloy yung pagtingin sa mga pictures.

“O bakit ka tumigil? Wag kang mag-alala, ayos lang sa’kin. Ang tagal ko ding hindi nakikita ang mga pictures na ‘to.” Isa-isang tiningnan ng matandang ‘to ang pictures.

Since sinabi nyang okay lang eh di itinuloy ko na din ang pagtingin sa pictures ni goon. Baka sakaling makahanap ako ng mapang-aasar ko sa kanya. Bwahahahaha. Maghintay ka lang goon, mabubuko ko na din ang sikreto mo.

“Ito po ba ang mommy ni goon?” nakaturo ako sa picture ng bigla akong mapatingin sa matanda na parang nagulat sa’kin. “I mean ni Zak po.” Hala lagot, baka sabihin nya ang sama ko para tawagin si goon na ganun. Sabi nya pa mandin mabait daw si goon, siguro di nya lang naidugtong na kapag tulog lang.

“Oo, mommy nya nga yan. Mama’s boy yan si Zak. Mahal na mahal nya ang mommy nya. Sa sobrang pagkamama’s boy akala ko nga magiging bakla pa sya – ” hindi pa tapos magsalita si tatang eh napatawa na ko ng malakas.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon