34

632K 6.8K 1.7K
                                    

ALEXA’S POV

“I thought he’s different. Pero wala, katulad din sya nung iba.” Umiiyak si Jezhi ngayon at nandito kami sa bahay nila. “And the sad part is – si Cliff, yung nakadate ko once na anak ng may ari ng Airman Academy eh may girlfriend na. Sila na nung ex ng kapatid nya. My goodness. Ang lupit ng fate sa’kin.” Hindi ko naman alam ang sasabihin sa kanya kasi wala naman akong experience sa ganitong problema. “Konti na lang talaga sis magiging katulad mo na ko. I will hate boys for the rest of my life.” Nabatukan ko sya bigla pero hindi naman ganun kalakas.

“OA mo Jezhi. Parang ganun lang hate hate ka na agad. Knowing you alam kong di mo kaya. Isa pa nagkausap na ba kayo ni Val?” hindi ko naman alam ang status nilang dalawa since naging busy ako. Naging busy ako? Well – ano medyo naging busy nga ako. Basta busy ako at di ko na kelangang imention kung bakit ako naging busy okay? Wag na kayong magtanong dahil di ko din naman sasabihin. Buwahahahaha.

“Ilang beses nyang sinubukan pero nireject ko sya. Tapos nung gusto ko na talaga syang kausapin tsaka naman hindi na nya ko pinapansin. I hate him! I hate Val!!!!” nabatukan ko ulit si Jezhi sa sobrang inis ko. “Bakit ka ba nananakit ha?”

“Eh isa’t kalahati ka ba namang adik. Nageeffort na yung tao nagiinarte ka pa! Ngayong sumuko na sya tsaka mo naman hahabulin. Sabunutan kaya kita ngayon, gusto mo?” kasi naman ang arte-arte. Gusto laging hinahabol. Swerte na nga nya kay Val, gwapo na at ang bait pa tapos pinapahirapan nya pa.

“Basta! Basta! Mas inuna nya pa kasi si Zak nung time na hinahanap kita. Kasalanan ‘to ni Zak. Kasalanan ‘to nilang lahat!!!” iniwan nya ko sa living room at umakyat sa kwarto nya. Great. This is great. Pinapunta nya ko dito para lang iwanan. Nakakainis!

 

Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Slight turn of the head

Eyes down when you said

I guess I need my life to change

Seems like something's just aren't the same

What could I say?

 

“Hello.” Sinagot ko ng hindi ko nakikita kung sinong natawag.

[Nasaan ka? Bakit di ka nagrereply sa mga texts ko?]

Shemay! Tiningnan ko ang phone ko 20 messages na pala at lahat galing kay goon.

“Nagi-girl talk kami ni Jezhi no! Problemado yung tao! Anong gusto mo makipagtextmate sa’yo habang yung kaibigan ko umiiyak!”

[At bakit hindi?]

“Wow! Anong klaseng tao ka!” Hindi ako makapaniwalang nasasabi nya ‘to. Teka, kasalanan ‘to nila goon. “Hoy goon! Bakit nagbreak si Jezhi at Val?”

[Pakialam ko! Hindi pa nga nagiging tayo break up pa nila uunahin ko!]

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon