27

665K 8.2K 696
                                    

ZAK’S POV

“Hala ka kuya she’s dead!” nasa harapan namin ngayon si aswang habang tulog na tulog sya. Mukhang pagod na pagod ‘tong babaeng ‘to at nauna pang natulog sa kapatid ko.

“Princess she’s not dead. Look.” Pinisil ko ang ilong ni aswang at maya-maya ay gumalaw sya at tumagilid sa may harapan namin. “See.”

“Yay! She’s not dead!” she said while clapping her hands. “But how am I going to sleep?” she pouted.

“You can sleep in my room if you want.” Umiling si Cia. “So dito ka na lang matutulog sa tabi ni as – ni Alexa?”

“Yes! Are you staying for tonight? Please stay. Pretty pretty please.” Nagpuppy eyes pa nga sya. Ang kapatid kong ‘to hindi ko talaga matanggihan.

“Sige na nga. Pero hindi ka dapat magpuyat ha. May pasok ka pa bukas.”

“Yey!!” tumayo sya sa kama at yumakap sa’kin.

“Becareful Cia. Baka magising si ate.” Binuhat ko sya at napatingin ako kay aswang na tulog na tulog pa din.

“Ay shhhhhhhh.” Then she smiled.

May naisip akong idea. “You wanna play?”

“Yes. Yes and yes!!!” ibinaba ko sya at kumuha ako ng color pens sa drawer.

“Hey that’s mine! What are you going to do with that?” she folded her arms.

“We are going to doodle.” Binuksan ko ang color pens at iniabot ko kay Cia yung ilan.

“I like that! But wait, where’s the paper? I’ll get one – ” papaalis na sya pero binuhat ko sya.

“We don’t need any paper princess.” Iniupo ko sya sa kama katabi si aswang. “Magda-drawing tayo sa face ni ate.” Tiningnan ko si Cia pero nakasimangot sya. Mukhang hindi magandang idea ang ginagawa ko at parang ayaw nya. “Look princess, di ba natalo mo sya sa ice cream eating contest at nagpromise sya na papatulugin ka nya but look at her, nauna pa syang natulog sa’yo.” Biglang lumiwanag ang mukha nya. Mabuti na lang at naconvinced ko din sya. “It’s payback time.”

“You’re right kuya. Let’s start then.” Humarap sya kay aswang. “Ano kayang ida-drawing ko – ah!” at nagsimula na nga kaming magdoodle. Hindi ko mapigilan yung tawa.

“Lahat ng may space kukulayan natin okay?” nagagree naman si Cia. Grabe talaga ‘tong aswang na ‘to. Hindi man lang nagigising sa ginagawa namin. Ang ineexpect ko pa man eh magigising sya agad kaya konti lang ang mada-drawing namin sa mukha nya. Pero dahil hindi sya nagising halos natapos na naming kulayan lahat ng parts ng face nya.

“I’m tired kuya. I wanna sleep.” Iniabot ni Cia sa’kin ang mga color pens at humiga sa tabi ni aswang. “Good night kuya. Good night ate.” Inayos ko ang higa nya at nakatulog din naman sya agad.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon