Chapter 22 - Ang Prinsesa ng mga Aswang

1.7K 83 21
                                    


*Note: I'm really sorry sa lahat ng readers kung hindi ko nasunod yung date ng update ko. Sadyang talagang parang nahihirapan akong isulat ang mga huling kabanatang ito. Bilib nga ako doon sa ibang writers dito sa Wattpad umaabot hanggang 50  chapters o higit pa ang naisusulat nila. Napakasipag nilang magsulat. Ako medyo hirap din talagang humanap ng oras para magkapagsulat at kapag nakahanap ng oras ay malamang nauuwi sa paglalaro, hahaha! Anyways, desidido ako matapos ito. Ito ang unang libro na naisulat ko. Sanay kasi ako magsulat ng mga short stories kaya medyo nahirapan ako sa isang buong nobela. Pero tatapusin din kita Gabriel Cruz!


Hindi makahinga si Joacquin. Halos madurog ang lalamunan niya sa higpit ng pagkakapulupot ng lubid sa kanyang leeg. Lalo pa itong humigpit ng may humila sa kanya papataas. Pinilit niyang luwagan ang lubid ngunit hindi niya maipasok ang kanyang mga daliri upang makagawa ng kahit kaunting puwang. Halos malagutan na siya ng hininga ng maramdaman niya ang dalawang pares ng mga kamay na humawak sa kanyang balikat at mga braso.

"Ang galing mo, Kempoy!" sabi ng isang garalgal na boses. "Ang laki nitong isda na nahuli mo."

Malakas na tawanan ang sumagot sa nagsalita.

Bahagyang lumuwag ang lubid sa leeg ng pari, at parang may hikang naghabol siya ng hininga. Halos masuka rin siya at ang kanyang dibdib at lalamunan ay parang nag-aapoy. Nang medyo makabawi ay sinubukan niyang tumayo ngunit isang tadyak sa kanyang tagiliran ang nagpasalampak sa kanya sa semento.

"Saan ka pupunta, Father?" tanong ng isang aswang. "Ang bastos mo naman. Kadadating mo lang, aalis ka na kaagad."

Humiga si Joacquin at pinagmasdan ang mga aswang na nakapaligid sa kanya. Tatlo sila at lahat sila ay mukhang mga asong ulol. Wala rin silang anumang suot na damit.

Biglang hinila ng isang aswang ang lubid na nakatali pa rin sa leeg ng pari.

"Ngayon, kakainin ka namin. Pero paunti-unti. Uumpisahan namin sa mga kamay mo. Tapos ay ang mga braso mo. Tapos ay ang mga paa at binti mo. Pagkatapos ay ang mga mata, tenga, at ilong mo. Ihuhuli namin ang mga laman-loob mo."

Masayang nagtawanan ang tatlong aswang.

Muling sinubukang tumayo ni Joacquin ngunit sunud-sunod na tadyak ang tinanggap niya. Napahiyaw siya ng malakas ng tamaan ang kanyang mga buto sa tagiliran.

"Dun tayo sa kusina." Pagkasabi nito ay isang suntok sa mukha ang nagpatulog sa Killer Priest.

###

Kagagaling lamang ni Tano sa opisina ng kanyang superior, ang Director ng PNP. Matinding pananabon ang inabot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa ring lead tungkol sa pambobomba sa Manila Peninsula Hotel. May mga nagsabing nakita ang Killer Priest sa hotel bago ang pagsabog ngunit wala namang matibay na ebidensya. Mayroon ding nagsasabi na mayroon daw mga mababangis na hayop ang nakawala sa loob ng hotel. Siyempre, ang mga nasa posisyon ay kanya-kanyang hanap ng masisisi at si Tano ang tumanggap ng lahat ng iyon. Marami nga ang nagsasabi na magresign na siya sa kanyang pwesto.

"Kapag nag-resign ako, wala namang may gustong kumuha ng kasong ito." Nagmura si Tano. "Sisi ng sisi wala namang naitutulong."

Mabilis na sumakay si Tano sa kanyang lumang sasakyan at pinaandar ito. Madaling-araw na ngunit ayaw pa niyang umuwi. Wala rin namang naghihintay sa kanya sa kanyang maliit na apartment. Kaya't nagpaikot-ikot na lamang siya sa Maynila.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nagmamaneho ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello? Sino ito?"

Si Gabriel Cruz at ang Lupon ng mga Aswang (Dugo ng mga Datu Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon