Chapter 20 - Dalawang Maharlika

2K 83 5
                                    

     "Ako? Maharlika?"

     Nanlalaki ang mga mata ni Joaquin sa narinig.

     "Oo. Ikaw ay galing sa lipi ng mga maharlika," sagot ni Bagwis na nakahawak pa rin sa balikat ng pari. "Taglay mo ang kapangyarihan at tungkulin na tulungan ang Datu na pamahalaan ang ibang mga nilalang."

     Biglang natawa si Joaquin.
     Hindi naman kumibo ang matanda. Ibinulsa na lamang niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang pantalon.

     Halos naluluha na ang binata ng tumigil.

     "So, pwede ko pala talaga patayin lahat ng mga aswang?" tanong niya ng nakangiti.

     Napabuntong-hininga si Bagwis. Si Kris naman ay lumapit sa kanila at sinagot ang tanong ng pari.

     "Father, kung naalala mo yung diniscuss ko kanina, hindi lahat ng mga aswang ay masama. Actually, karamihan sa kanila ay mabuti at hindi kumakain ng tao. Yun lang mga sumusuway sa batas ang dapat maparusahan."

     "Mabuti?" tanong ni Joaquin. "Nahihibang na ba talaga kayo? Dapat patayin lahat ng mga aswang!"

     Parang si Gabriel lang ito nung umpisa, ah, naisip ni Kris.

     "Father Joaquin," sabi ni Bagwis. "Makinig ka sa akin. Alam ko ng may galit ka sa mga aswang. Maniwala ka, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Lahat kami dito, ako, si Ellie, si Kris, pati na rin si Gabriel, nawalan kami ng mga mahal sa buhay ng dahil sa mga aswang."

     Hindi makatingin ang pari sa matanda.

     "Si Gabriel ang susunod na Datu pag tungtong niya sa hustong gulang. Kapag nangyari iyon, mas madali na nating mapapasunod at mapapamahalaan ang mga aswang. Pati na rin ang iba pang nilalang.

     "Pero para masigurado iyon ay kailangan namin ang isang tulad mo. Isang maharlika. Kailangan namin ang lakas mo."

     Dito ay tiningnan ni Joaquin ang matanda. "Anong gusto  mong gawin ko?"

     "Inaanyayahan kita na manatili muna dito sa mansion. Hindi ba't pinaghahanap ka ng batas? Dito makatitiyak ka na walang makakita sa'yo. Mapag-aaralan mo rin ang tungkulin at responsibilidad ng mga maharlika. Matututunan mo ang tungkol sa ibang mga nilalang.

     "Pero hindi kita pinipilit. Gaya ng sabi ko sa'yo kanina, malaya kang gawin ang gusto mo."

     Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. Si Kris naman ay nagpapalipat-lipat lamang ang tingin sa dalawang lalaki.

     "Sir Bagwis! Sir Bagwis!"

     Isang sigaw ang gumulat sa kanila. Sigaw ni Ellie.

     Agad lumabas si Bagwis ng silid at nakita ang umiiyak na si Ellie. Hawak-hawak nito ang isang cellphone.

     "Ellie? Anong nangyari?" tanong ng matanda.

     "S-Sir, si Gab po..." hindi na naituloy pa ng dalaga ang sasabihin dahil tuluyan na itong napahikbi. Inabot na lamang niya ang hawak na cellphone kay Bagwis.

     Saglit na tiningnan ng matanda ang cellphone at pagkatapos ay kinuha. Hindi pamilyar ang numero sa screen, masyadong maraming numero.

     "Hello, sino ito?"

     "Bagwis, so nice to hear your voice."

     "Darius? Paano mo nakuha ang number na 'to?"

     "Bagwis naman," sagot ng lalaki sa kabilang linya. "Mga aswang kami. Kami ang pinakamatalino at pinakamayaman sa mundong ito. Sa tingin niyo ba ay mahirap kayong mahanap?"

Si Gabriel Cruz at ang Lupon ng mga Aswang (Dugo ng mga Datu Book I)Where stories live. Discover now