Chapter 4: ..Of Flowers

2.3K 109 0
                                    

GLAIZA'S POV:

PING! Ping!

          Napa-angat ako ng tingin mula sa counter nang tumunog ang windchime sa pinto. Pumasok si Anjela dala ang mga bulaklak galing Baguio na inorder ko para sa isang wedding mamayang hapon. Gusto ko sanang tanggapin na ako ang florist sa event kaso hindi na aabot sa schedule ko today.

             Sinipa patalikod ni Anjela ang pinto pasara. "Ma'm okay na po itong mga ito. Ilalagay ko na lang sa likod para ma-arrange matapos ang breaktime ko po."

             "Mag break ka na nga kaya ngayon? Ang daming trabaho," sabi ko habang pumipindot sa calculator ng mga inventory ko kahapon. Tumunog ang telepono sa kabilang side ko.

          "G's flowers and events goodmorning! Glaiza's speaking, how may I help you?"
          "Ma'm, nandito na po 'yung mga estudyante from Angels Academy," inform sa akin ng guard ng farm.

           "Ano?! 'Di ba mamaya pang hapon 'yan?! Bakit ang aga naman! Ano ba 'yan, hindi pa nga ako naka-ayos!"
          "Nalate daw po 'yung driver ng bus nila kaya dito na lang daw po mauna sa malapit."
          "O sige sige Kuya, paupuin niyo muna sila dyan, give me fifteen minutes kamo."

            Tinawagan ko ang isa ko pang staff na si Caryn para tumao dito sa shop. Mabilis akong umuwi para mag bihis at mag-ayos. Ang Heavens Flower Garden ang botanical farm ng mga ninuno ko na isa na ako sa nag-mamanage dito sa Cavite.

 Ang Heavens Flower Garden ang botanical farm ng mga ninuno ko na isa na ako sa nag-mamanage dito sa Cavite

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


             May mga nag e-educational tour din kasi sa farm at nagpresinta na akong humawak sa mga gano'n.
Nagsuot lang ako ng comfortable na straight-cut na cream colored jeans at floral na blouse na may malalaking print ng red roses. Nilugay ko ang wavy kong buhok na lagpas lang ng balikat.

             Pagdating ko sa farm ay nag-park na ako ng kotse. Mula sa labas ay kita ko na sa bukana ang ilang mga bulinggit sa kinder ng Angels Academy. Ang pre school ay dalawang kanto lang ang layo sa flowershop ko. Nilagay ko muna sa ulo ang shades ko before pumasok sa farm.

           "Hi! Goodmorning! Sorry I'm late mga kids ha," may malawak na ngiti kong bati sa mga bata sabay baling sa head teacher nila na si Madz.

Madz....on pic

on pic

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon