Chapter 15: She's Mine

1.8K 93 5
                                    

A/N

Let us hear how Dj feels....

#@#@#@#

DJ'S POV:

           NAKILALA ko si Rhian through our common friend sa isang kasal two years ago. She is my first girlfriend and I am her first too.

            Si Rhian ang tipikal na filipina - tall, fair and pretty plus the attributes of being mahinhin, simple, kind and humble. I love how she loves her family and how she takes care of them. I know she will be a good mother and wife.

            Our relationship is a smooth sailing one. We have casual dates and she deserves of my wedding proposal. She had put her trust in me that even giving me her virginity.

            I am the sole successor of my father being a congressman. Kahit ayaw ako, hindi ko puwedeng biguin ang mga magulang ko. Alam kong kahit papa'no ay hindi nila gusto si Rhian dahil hindi siya mayaman but she is well to be respected. My parents should respect her.

            I was the happiest man  on earth that day when she said YES to my proposal. Since nasa politiko ako at malapit na ang eleksyion sa Mayo ay kumuha kami ng coordinator. I admit, I have my shortcomings due to my busy schedules and it alarmed me na parang naninibago ako kay Rhian mula ng magpropose ako.

            Umuwi akong lasing ng gabing 'yon at dumaan ako sa besftriend kong si Veron sa Alabang.

             "Ano ba ang dahilan pare kapag parang cold ang nobya mo?" tanong ko habang nasa mini-bar kami nila.

            "Cold? Don’t tell me, ang mainit niyong  pagsasama ni Rhian eh on the rocks? Himala para sa isang perfect couple sa paningin ko?"
            "Hindi naman sa gano'n Pre, kaya lang parang naninibago ako kay Rhian eh."
            "Like?"
            "She used to text me and call me first. Sanay naman kami sa LDR dahil Cavite siya, Manila ako pero basta iba."
            "Eh sabi mo kasi, nag-aasikaso ng kasal niyo? Kami ni misis Pare kami lang nag-asikaso, ang hirap. Limited budget kaya wala kaming planner-planner na 'yan."
           "Oo puntos 'yon pero nitong bandang huli pag nagkita kami, parang hindi niya ako masyadong namimiss tapos kulang na lang parang gusto niyang sabihing umuwi na ako at nabobore siya."

           "Aware ka ba sa mga babae pare, na minsan may mga mood swings 'yan. Lalo na pag rereglahin o may regla, susko! Kahit maliit na bagay, lumalaki! May times talaga na wala sila sa mood then baka no'ng time na 'yon ganun siya. Yung sad and bad mood with no apparent reason. Wala lang, wala lang gana ganon."

            Hinimay ko ang mga sinabi ni Veron pero may isang bahagi ko na tumututol kasi kahit minsan ay ganon nga si Rhian, mararamdaman ko pa rin na namiss niya ako at may lambing.

          "Eh baka kasi pare nasa 'yo ang kulang? Oo nando'n na tayo, busy ka, iniintindi niya. Pero ang mga babae, kahit hindi mo paliguan ng materyal na bagay, simpleng effort at oras, appreciation, sumasaya mga 'yan."

            "Siguro nga kasi mag-isa siya lang sa pag-aasikaso ng kasal namin. Pag sinabi kong pupunta ako, hindi natutuloy. Kahit alam kong nagtatampo siya, hindi ko binibigyang pansin."
           "Dahil inassume mong okay lang? Naku pare, huwag mong pabayaan 'yang ganyang nararamdaman mo. Baka hindi ka pa tuluyang ikasal niyan?"
          "Eh 'yun naman ang hindi ko papayagan."
           "Eh pare, hindi naman kaya may iba na?"

          Naningkit ang mata ko at inirapan si Veron. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin.

          "Honestly pare, andito na rin tayo. Medyo….fifty-fifty ako sa wedding planner namin eh."
           "Sabi mo babae planner niyo? Don’t tell me hindi ka na secure sa sarili mo at pati babae pinagseselosan mo? You're being ridiculous!"
           "Hindi sa gano'n pero kasi ano…sexy naman si Glaiza, maganda. Sabi nga ni Rhian ay kakabreak lang sa boyfriend at nagfofcous sa trabaho. Pero parang nagiging extra close na sila ni Rhian ko at nababaling sa kanya atensiyon eh."
           "Ha! Ha! Ha! Grabe ka 'tol! Huwag mong sasabihin kay Rhian 'yan baka mag-away kayo at sumbatan ka. Sige, sabihin mo nga sa akin sino ang barkada ni Rhian? Di ba sabi mo'y loner siya?"
           "Oo nga wala. Nong college iilan lang. Ngayon naman co-teacher lang niya na si Mads pero hindi rin ganon kadalas---"
          "Dahil sa 'yo nakafocus si Rhian. You know what pare, kung tayong mga boys ay may 'for the boys', need din ng mga babae ang mga ganyang bonding. Maybe, sa katauhan nung Glaiza, nakakita siya ng isang hmmmm… ka-buddy, kung hindi pa kaibigan diba?"

Of Poems and Flowers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon